^

PSN Showbiz

Jolina pinatunayang may K din

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Katulad din ng ibang re­ality searches ang Pro­tégé: The Battle For the Big Artista Break, masaya rin ito, na­kaaaliw, at nakakainis at the same time. Lalo’t may mga auditionees na feeling mas magaling pa sila sa mga tumata­yong mentor, lalo na sa panig ni Jolina Magda­ngal na akala marahil nila na por­ke kaedad lang nila ay puwede na nilang hin­di seryosohin. Nagkakamali sila. Na­katutuwa ang mga eksena na si Jolens ang tumayong au­dition mas­ter.Ba­ga­ma’t naki­pagbiruan siya sa mga gustong sumali, ipi­nakita rin niya’t ipinaramdam na hindi siya ma­babasta-basta.

Sa kalaunan, nakita rin ng lahat na dapat siyang katakutan dahil naroon siya para ihiwalay ang mga may “k” sa wala. Good job, Jolens!

Regine makikialam sa buhay ng iba

Ito talagang si Regine Velasquez ay napaka-versatile. Kaya naman siya ang kinuha ni GMA 7 para mamunong host sa bago nilang programang H.O.T TV. Sa kabila ng pagiging kengkoy niya, naniniwala sila na makapag-deliver ito at makakakuha ng magagandang facts mula sa kanilang mga bisitang celeb.

Coco binalikan ang nakaraan

Tingnan mo nga naman at feel na feel ang pagbabalik ni Coco Martin sa indie film. Ipinamalas ni Coco ang willingness na balikan ang kanyang pinagmulan bilang aktor by again choosing to co-produce Sta. Niña.

vuukle comment

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

COCO MARTIN

IPINAMALAS

JOLENS

JOLINA MAGDA

KATULAD

REGINE VELASQUEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with