^

PSN Showbiz

Ruffa wish sumunod kay Raymond sa talk show

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Matapos ang kanyang kontrobersiyal na pag-alis sa Paparazzi, tatanggap pa rin si Ruffa Gutierrez ng talk show pero wish niya na makasama ang kanyang kapatid na si Raymond Gutierrez. Aware ang former beauty queen sa kakayahan ng kanyang nakababatang kapatid sa ganitong trabaho kaya alam niya na magkakatulungan sila para mapaganda ang anumang programa na pagsasamahan nila.

Sinabi ni Ruffa na naka-move on na siya sa hindi magandang pangyayari sa Paparazzi. Hindi na rin siya galit.

Itinatanggi naman niya ang sinasabing paglipat niya ng network sa pagsasabing may kontrata pa siya sa TV5. “Pero hindi ko masasabi kung ano ang maaaring mangyari in the future,” sabi niya.

Samantala, abala siya sa kanyang Roof-a-Child Foundation na nagbibigay ng tahanan at mapagkakakitaan sa mga mahihirap.

Lovi hinahanap pa ang papalit kay Ronald

Itinatanggi rin ni Lovi Poe na may ligawang namama­gi­tan sa kanila ni Jake Cuenca. Wala pa raw nakakapalit sa kanyang puso si Ronald Singson na kahit na ka­hi­walayan niya ay nananatili pa ring isang kaibigan. “Ayoko munang makipag­relasyon. Masaya akong mag-isa ngayon. Nagagawa ko ang gusto kong gawin at nakakapag-focus ako sa aking trabaho. I’m so busy to think of other things,” sabi ng aktres na hindi mo kapapansinan ng lungkot kahit sa kanyang pag-iisa.

Imelda rumaket uli sa abroad para makalikom ng pondo sa tinutulungang ospital

Nakaalis at nakaalis pala ng bansa si Imel­da Papin ng walang ka­i­ngay-ingay para sa isang palabas sa Outrig­ger ng Waikiki Ho­tel sa Hawaii na kung saan ay makakasama niya ang kanyang kapatid na si Gloria Papin, dating Belen, at anak na si Maffi Papin-Carreon.

Pareho nang naka-base sa US ang kanyang kapatid at anak samantalang nasa Pilipinas pa rin ang Undisputed Jukebox Queen at gumagawa ng concert sa iba’t ibang bansa para makalikom ng pondo na magagamit sa kanyang dialysis center sa Quezon City General Hospital si Imelda.

Pagbabalik nito ay isang malaking palabas ang gagawin niya para naman sa kapakanan ng entertainment writers na may karamdaman. Nauna na sa kanya na mag-concert sa buwang ito ang kapa­tid niyang si Aileen Papin, para rin sa mga movie press.

vuukle comment

AILEEN PAPIN

CHILD FOUNDATION

GLORIA PAPIN

IMELDA

ITINATANGGI

JAKE CUENCA

KANYANG

LOVI POE

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with