^

PSN Showbiz

Kuya Kim, sasabak sa triathlon

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Hahamunin ni Kuya Kim Atienza ang kanyang lakas, bilis, at liksi, sa kanyang pagsabak sa triathlon o magkakasunod na kumpetisyon sa paglangoy, pagbibisikleta, at pagtakbo ngayong Linggo (July 8) sa Matanglawin.

Kinakailangan nga ng Trivia King na lumangoy ng hindi bababa sa 1.5 km, magbisikleta ng 40 km at tumakbo ng 10 km para matapos ang triathlon. Kakayanin niya kaya?

Kung titingnan ang kasaysayan, tila hindi na ito imposible para kay Kuya Kim dahil nagawa nga itong tapusin ng 91 taong gulang na si Hardy Gilbert at ni Rick Hoyt na may karamdamang cerebral palsy.

Kasabay ng kanyang adventure ay ibabahagi rin ni Kuya Kim ang tips para maging physically fit ang pangangatawan at para mas tumibay sa ito sa paggawa ng nakakapagod na mga gawain o ehersisyo.

Ang Matanglawin ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na Bida Best Kid na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga.  

Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo (July 8), 9:15 AM sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANG MATANGLAWIN

BIDA BEST KID

HAHAMUNIN

HARDY GILBERT

KUYA KIM

KUYA KIM ATIENZA

LINGGO

MATANGLAWIN

RICK HOYT

TRIVIA KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with