^

PSN Showbiz

Alden at Louise nagtanan!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mapupuno na si Tisoy (Alden Richards) sa mga ginagawa ni Carlos (Raymond Bagatsing) laban sa kanya. At ngayong pati si Lola Tilda (Caridad Sanchez) ay nadamay na, susugod muli si Tisoy sa bahay ng mga Samonte!

Malalaman naman ni Elize (Louise delos Reyes) ang pinagawa ni Carlos kina Tisoy, dahil na rin sa pagkuwento ni Leila (Agot Isidro). Magkakasagutan muli ang mag-ama, at masasaktan ulit ni Carlos ang anak. Ang hindi nila alam ay nakapasok na si Tisoy sa bahay nila, at nasaksihan nito ang ginawang pana­nakit ni Carlos!

Susugurin ni Tisoy si Carlos—pero makakalaban ang huli. Matatalo si Tisoy at palalayasin itong muli. Sasabihan pa ni Carlos ang guard niya na barilin ito nang magtanda na. 

Maililigtas ni Douglas (Benjie Paras) si Tisoy, pero imbis na magtanda ay lalo lang mag-iinit si Tisoy laban kay Carlos. Bubuo ito ng plano para itanan na nga si Elize!

Samantala, makakaramdam na si Ellen (Jean Garcia) ng paglamig sa pakikitungo sa kanya ni Mayor Henry (Bembol Roco). Aamin ang alkalde na binantaan na siya ng kaniyang partido para makipaghiwalay kay Ellen—at agad ring maiisip ni Ellen na si Leila ang may pakana na ng lahat.

Nagtanan na sina Tisoy at Elize!

Susubok humabol si Carlos (Raymond) sa da­lawa, pero makakapagtago ang magkasintahan at hindi sila mahahanap ng lalaki.

Magwawala si Carlos at susugod kina Douglas, pero bigo rin siyang hanapin sina Tisoy at Elize dito. Uutusan niya ang lahat ng kanyang mga tauhan, mag-aalok ng pabuya, para hanapin ng mga ito ang anak at ang binatang nagtanan dito.

Maghaharap namang muli sina Leila at Ellen, at masasabi ng una sa huli na wala na itong anak na babawiin sa kanila ni Carlos dahil nakipagtanan na si Elize!

Habang isa-isang pinasusuyod ni Carlos sa mga tauhan ang bayan para mahananap sina Tisoy at Elize, lalapit naman si Ellen kay Mayor Henry para humingi ng tulong sa paghahanap kay Elize.

Lalapit sina Tisoy at Elize kay Dyna (Ana Capri) para humingi ng tulong. Tutol man si Dyna sa pagtatanan na ginawa ng dalawa, hindi nito magagawang tanggihan ang magkasintahan. Patutuluyin niya ang mga ito sa bahay niya—kung saan makikilala sila ng isa sa mga tauhan ni Carlos! 

Kakabahan si Dyna, paaalisin na sina Tisoy at Elize. Tatakbo ang dalawa, pero matutunton sila nina Ellen at Troy. Makakarating na rin sina Carlos at Leila sa bahay ni Dyna. 

Wala nang ibang pupuntahan sina Tisoy at Elize. Wala nang iba kundi ang maglayag sa dagat.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ANA CAPRI

CARLOS

DYNA

ELIZE

LEILA

MAYOR HENRY

SINA

TISOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with