^

PSN Showbiz

Michael hindi kayang sampalin si Geoff

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Sinabi ni Michael de Mesa na umiiral ang pagka-daddy niya kay Geoff Eigenmann dahil tumanggi siyang sampalin ito sa isang eksena na ginagawa nila sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? na teleserye ng GMA 7. Sa halip, nakiusap na lang ito sa direktor nila na si Mark Reyes na pumayag namang ambahan na lang niya ng sampal si Geoff at pagkatapos ay itinulak na lamang niya ito.

“Pagdating sa pananakit sa aking anak, I draw the line as an actor. First time mangyari ’yun na ma­sa­saktan ko si Geoff at umiral ang aking pagka-daddy. Naintindihan naman ako ni Direk Mark. Hindi naman ako nag-demand, nag-request lang ako,” sabi ng magaling na aktor na makaraang bumalik ng bansa at unang lumabas sa Valiente ng TV5, pumirma ito ng exclusive contract sa Kapuso Network para sa dalawang taon.

Sinabi rin nito na hindi siya nag-iisa sa mga Eigenmann na ayaw manakit ng anak o kamag-anak, kahit sa screen lamang. Maging ang kapatid niyang si Cherie Gil ay tumatanggi na manakit ng kanyang mga pamangkin kahit sa paggawa lamang ng eksena.

Mag-ama ang role nina Michael at Geoff sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? pero sa kuwento ngayon ay magka­galit na sila dahil lamang lumabas na ang totoo na may pagmamahal pa si Jake (Geoff) sa dati nitong kasintahan na asawa ngayon ng character na ginagampanan ni Michael na si Jaime.

Samantala, magpapabalik-balik siya ng US at Pilipinas para madalaw ang kanyang asawa na kinakailangang samahan ang kanyang anak sa Amerika.

Sen. Chiz panay ang lusot sa usapang personal

Hindi na mahalaga kung bakit naghiwalay sina Sen. Chiz Escudero at ang maybahay niyang si Tintin. Na-annul na rin ang marriage nila na pitong taon ding tumagal. Ang mahalaga, magkaibigan pa rin sila, nagkikita sila’t nag-uusap para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Sa kabila ng pangungulit ni Kris Aquino na kung saan sa programa nitong Kris TV ay tutulong ang senador para maging co-host, nagagawa ng paboritong celebrity na kahihiwalay lang sa asawa at maituturing na ring isang showbiz personality dahil kung kani-kanino siyang aktres nali-link, tulad nina Kris at Heart Evangelista, ang iwasang sumagot sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang personal na buhay, lalo na tungkol sa kanyang pamilya. This sets Chiz apart from the many celebs na pumapayag pag-usapan ang kanilang buhay.

Sa ganitong paraan, madaragdagan pa at hindi makukulangan ni isa man ang mga tagahanga ng senador. Sapat nang payagan niyang maging bahagi pa ng buhay nilang mag-aama ang kanyang ex at ina ng kanyang kam­­bal para sa kapakinabangan ng kanilang mga anak.

Serye ni Kris tatapusin na parang Koreanovela

You have to find out for yourselves kung bakit nalungkot ako sa kahihinatnan ng ending ng Hiram na Puso. Sana lang hindi totoo ’yung mga nakuha kong feed na magiging parang Koreanovela ang ending nito. After watching it for several months palulungkutin ba ako ng pagwawakas nito?

Anne pinayagan na ng pamilyang mag-asawa

Napakahilig pala ni Anne Curtis sa band concerts. Kahit sa ibang bansa ay dumarayo ito para manood ng mga ganitong palabas. Kararating pa lamang nito ng bansa mula sa kanyang isang buwang paggawa ng isang indie film pero nakatakda na naman itong umalis para manood ng isang music festival sa Portugal.

Hindi maaaring magtagal sa ibang bansa si Anne, kailangang bumalik siya agad dahil naubos na niya ang kanyang bakasyon sa ABS-CBN. Hindi na siya puwedeng mag-absent pa sa It’s Showtime.

Samantala, masaya ang love life ni Anne. Maging ang kanyang mga magulang ay boto sa relasyon nila ni Erwan Heussaff. Payag na sila kapag nagpasya na si Anne na magpakasal dito. Pero si Anne mismo ang nagsabi na wala pa sa plano niya ang pag-aa­sawa. Kapag nakarating na siya sa edad na 30. Baka dun, mag-settle down na siya.

Halikan nina Jennica at Geoff, ibang level

Wala namang selos na nararamdaman si Jennica Garcia sa ginagawang pagli-link sa ka-love team niyang si Carl Guevara kay Kris Bernal. Mas magiging happy siya kung totoong may relasyon ang dalawa. Sa Bantatay pa lamang ay wish na niya na makita na ni Carl ang tamang babae para sa kanya.

Samantala, nagbigay ng alalahanin sa kanya kung sakali mang magkaroon sila ng kissing scene sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? ni Geoff Eigenmann. Not that it will be her first time  na makipaghalikan sa screen. Nagkaroon na rin sila ng kissing scene ni Carl pero magka-love team sila at smack lang. But with Geoff, parang ibang level na kung magkakaroon sila ng ganitong eksena. 

vuukle comment

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

KANYANG

KASALANAN BANG IBIGIN KA

LEFT

PARA

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with