^

PSN Showbiz

TF na P500,000 hindi rin ma-take

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Grabe naman pala ang ginawa ng male TV host sa sexy actress na sandali lang naging co host ni male TV host sa kanyang programa.

Bukod daw kasi sa P500,000 lang ang isinuweldo sa sexy actress, grabe pa raw pambabastos ang ginawa ng male host sa sexy actress.

Isa raw sa pinaka-malala sa ginawa ng male TV host ay nang sabihan nitong : “Subukan mo kayang ipaayos ang lawlaw mong suso” na dinamdam daw nang husto ng sexy actress.

Hindi lang daw ‘yun, marami pa raw ibang panlalait ang inabot ng sexy actress kaya nag-desisyon na lang itong iwan ang programa bilang hindi naman daw siya naghihirap para tiisin ang mga panlalait on air ng TV host sa kanya ayon sa source.

Well in a way may kasalanan din naman si sexy actress. Dapat bago siya nag-decide na lumayas sa kanyang mother studio, inalam muna niyang maigi kung magkano ang talent fee niya sa pupuntahang programa.

Ngayon tuluyan na siyang pinakawalan ng mother studio niya.

Kulang na kulang nga naman ang P500,000. Sa make up at damit pa lang niya araw-araw, plus stylist ubos na ang P500,000.

Mga nanalo sa Ms. World Philippines magkakamukha na!

Parang hindi na apektado si Ruffa Gutierrez sa nangyaring ‘bastusan’ sa progr­ama nilang Paparazzi nang mag-host siya last Sunday night ng Miss World Philippines na napanood sa TV5.

Mukhang naka-recover na siya sa inis sa mga kasama sa prog­ramang hindi na raw niya babalikan.

Pero ang agaw-pansin sa nasa­bing coronation night ay ang suot niyang hikaw at singsing - ang lala­king diamonds.

Grabe ilang karats kaya ‘yun? As is super laki ang bato.

Anyway, dahil almost 12 midnight ay nasa 12 finalist pa lang ang nasabing coronation night kaya nakatulugan ko na ang panonood.

Pero ayon sa pinadalang press release ng TV5, si Queneerich Rehman ang nanalo ng titulo sa 24 na kandidatang pinagpilian.

Actually magaganda naman ang mga kasali na parang nag-iba ang mga hitsura nang ipakilala sila sa isang press presentation kamakailan. Parang sa ginanap na coronation night, magkakamukha na sila at may mga nabago sa mukha nila.

Ginanap ang coronation night ng Miss World Philippines 2012 sa Manila Hotel tent.

Sina Ruffa at Edu Manzano ang nag-host.

One million ang iniuwi ni Queneerich na taga-Las Piñas at iba pang mga prizes kasama na ang isang sasakyan.

Kasama sa mga nanalo sina Brenna Cassandra Gamboa as 4th Princess; April Love Jordan as 3rd Princess; Vanessa Claudine Ammann as 2nd Princess and Mary Anne Ross Misa as 1st Princess.

Special awards - si Rehman ang nakabingwit ng Best in Swimwear at si April Love Jordan ang nanalo sa Best in Long Gown.

Naging hurado sina Baby Cruz, president and owner of Franch Provost; Ma. Fe Perez Agudo, President & CEO of Hyundai Asia Resource Inc; Becky Garcia, Founder and President of Dancesport Council of the Philippines; Melinda Reyes, President and CEO of Zenea; Consul Amelia Abalaza, Honorary Consulate of Guatemala in the Philippines; Clint Navales, External Relations Country Leader of Procter and Gamble Philippines and Emmanuel Ramon Lorenzana, Executive Vice President & Head of Wireless Communications Division of SMART Communications.

vuukle comment

APRIL LOVE JORDAN

BABY CRUZ

BECKY GARCIA

BRENNA CASSANDRA GAMBOA

CLINT NAVALES

CONSUL AMELIA ABALAZA

EDU MANZANO

HOST

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with