Ogie walang panahon sa pulitika
Kung ’yung paggawa ng kanta, pagkanta mismo, at pag-arte ay hindi mapagsabay-sabay ni Ogie Alcasid, ’yun pa kayang pagpasok sa pulitika ang maisip niya? “No way akong pumasok sa pulitika, mas masaya sa showbiz, wala akong kakayahan sa politics. “I’m 45 years old now, kung magpupulitiko ako, kailangang magsimula ako sa umpisa bago ako maging kumpleto.
Pakiramdam ko hindi ako bagay at lalong hindi karapat-dapat maging pulitiko,” reaksiyon niya kung join ba siya sa maraming artista na tatakbo next election.
Sa rami ng kanyang gawain ay problema na niya ang kawalan ng oras sa kanyang pamilya. At kahit hindi nagrereklamo sa kanya si Regine (Velasquez, his wife) nakakaramdam siya ng guilt kapag tinatanong siya nito kung anong oras siya uuwi.
“Dapat talaga bigyan ko ng panahon ang family ko. Kaya nga napagdesisyunan ko na gawing family day, starting July, ang Saturday every week. I told Regine about this and made sure na magkakaroon kami ng bonding kahit hindi ganun karaming time. I promised to be there for them,” saad niya.
Sinabi rin niya na he is quenching offers from other networks dahil nakakontrata siya sa GMA 7. “Kahit naman wala akong kontrata. Nakita ko naman kung paano nila ako inalagaan,” pagmamalaki pa ni Ogie.
Bukod sa talk show nila ni Michael V. na Pare vs. Pare, Bubble Gang, Party Pilipinas, simula sa June 11, mapapanood ang pinakabago niyang dramedy na My Daddy Dearest na kung saan ay gagampanan niya ang role hindi lamang ng isang daddy kundi ng isang mommy din ng anak na si Daisy (Milkcah Wynne Nacion) na maagang naulila sa ina ng mabundol ito ng isang sasakyan
pauwi sa pagbili ng lobo at cake para sa birthday ng anak. Isang all-star cast ang Daddy Dearest na magtatampok din kina Jolina Magdangal, Pinky Amador, Sherilyn Reyes, at Pauleen Luna na kung dalawa ang role ni Jolina ay apat ang sa kanya, ang mga pixie na sina Annie, Ada, Winnie at isa pang ’di ko matandaan.
Ella aminadong hindi ka-level sina Kathryn at Julia
Pare-parehong graduate ng Goin’ Bulilit sina Ella Cruz, Kathryn Bernardo, at Julia Montes. Mas nauna nga lamang pumalaot sa pag-aartista ang dalawa at unang nakilala’t naging popular dahil sa kanilang tandem. Nang pumasok si Ella bilang Aryana, nagsimula na ang pagkukumpara sa kanilang tatlo. Kahit dedma ang tatlo sa ginagawang pagkukumpara sa kanila, ang mga fans at tagasubaybay nina Mara Clara ang tumututol sa pagli-level kay Ella sa mas naunang sumikat na dalawa.
“Hindi ko naman sinasabi na ka-level ko sila. Inspirasyon ko sila at umaasam ako na maabot ko rin ang narating nila. Alam ko na marami pa akong pagdadaanan bago ko maabot ang kinalalagyan nila pero pagbubutihin ko ang aking trabaho. Gagalingan ko ang pag-arte ko para maging proud sila sa akin at sana magpatuloy pa ang pagtaas ng rating ng Aryana para pati ABS-CBN ay matuwa at hindi paghinayangan ang pagbibigay sa akin ng pagkakataon na magkaroon ng sarili kong show,” sabi ng pinakabagong sirena sa telebisyon.
Ryan hindi nagmamadaling uwian si Juday
Sinabi ni Ryan Agoncillo na kung meron mang sikreto ang pagiging masaya at maayos na pagsasama nila ni Judy Ann Santos, ito ay ang pagiging indibidwal nila kahit mag-asawa na sila.
“May kanya-kanya pa rin kaming buhay at identity bilang mga artista. Iba si Juday at iba rin si Ryan. When we work, we work apart. Maliban na lang siguro kapag magkasama kami sa isang project, dito nagdadamayan kami, nagbibigayan, we work as a team. But at the end of the day, pinag-uusapan namin kung ano ang ginawa namin sa buong araw. Walang pressure, hindi namin kailangang magmadali sa pag-uwi. Kung kailangang gabihin kami para matapos ang trabaho namin, ginagawa namin. Walang takot at pangamba na baka magalit ang mas mauuna sa aming umuwi ng bahay,” say pa ng popular na TV host na kung kailan nag-asawa at saka pa naiintriga sa ibang babae.
- Latest






















