^

PSN Showbiz

Coco tinulungang makaarte si Angeline

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ilang buwan na ring nagsyu-shooting sina Coco Martin at Angeline Quinto ng pelikulang Born to Love You mula sa Star Cinema at Cinemedia. Ayon sa aktor ay naging malapit na talaga siya sa female singer kahit noon pa man.

“Kahit noong hindi pa nagsisimula ’yung pelikula, kahit na sa mga out-of-town shows at concert abroad, nagkasundo na kami kasi marami kaming similarities. Marami kaming napag-uusapan about sa personal life namin, lalo na sa past namin. Maganda kasi every time nagkikita kami, meron kaming naikukuwento sa bawat isa,” nakangiting pahayag ni Coco.

Bilang ito ang kauna-unahang pelikula ni Angeline ay tinulungan ni Coco ang singer sa bawat eksena nila. “Masayang-masaya ako kasi feeling ko nakatulong ako sa kanya at si Direk Jerome (Pobocan). Kapag pinapanood ko siya, hindi mo makikita na parang first time niyang umaarte. Hindi ko siya binobola dahil lang magkasama kami. After this, kapag gumawa ulit siya ng pelikula or ibang acting project, sana maalala pa rin niya ako, kasi talagang pinaghirapan namin ito,” kuwento ni Coco.

Aminado rin ang aktor na humahanga siya sa ugali at sa ganda ni Angeline.

“Pinakagusto ko ’yung pagiging humble niya at pagmamahal niya sa pamilya at sa kapwa. Actually, ngayon ako nagwo-worry kasi sabi nga niya dati crush niya ako pero ngayon sumobrang ganda na siya, hindi ko na alam. Hahaha! Siyempre kung anuman ’yun, sa amin na lang,” dagdag pa ng aktor.

Madalas na dinadalhan ni Coco ang dalaga ng mga pagkain sa set ng kanilang pelikula.

“Binibigyan ko siya ng mga simpleng bagay na alam kong makapagpapasaya sa kanya, tulad ng sinigang, kasi kapag nagugutom siya para siyang nanghihina. So kapag may shooting binibigyan ko siya ng pagkain pero hindi naman ako ’yung nagluluto, ’yung lola ko,” kuwento pa ng aktor.

Kinakabahan si Coco dahil ito ang kauna-unahan niyang full-length movie na mapapanood sa mainstream.

Slater hanggang pictures lang kayang magpa-sexy

Abala na ngayon ang pinakahuling Pinoy Big Brother Big Winner na si Slater Young sa rami ng kanyang nakapilang proyekto. Umaasa siyang magugustuhan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga gagawin.

“Hopefully more acting gigs and we’re planning to go into hosting din kasi a lot of people are suggesting hosting,” bungad ni Slater.

Nakapag-topless na sa ilang photo shoot ang binata kamakailan pero hindi naman nangangahulugang magpapa-sexy na rin siya sa kanyang mga proyekto. “Hindi ako masyadong komportable sa sexy na roles. I don’t see that as my personality din. Photo shoots okay lang, but when it comes to sexy roles, ’di ko ma-imagine ang sarili ko,” natatawang sagot ni Slater.

Magpapahinga muna siya sa pagiging engineer para mag-full time muna sa pag-aartista.                             

Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

ANGELINE QUINTO

COCO MARTIN

DIREK JEROME

KASI

LOVE YOU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with