^

PSN Showbiz

La Aunor lagare sa trabaho!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

As if naman papayagan si Piolo Pascual ng ABS-CBN pero, sinagot ni Megastar Sharon Cuneta kung may tsansa bang i-guest niya sa kanyang bagong programa sa TV5, ang  Sharon: Kasama Mo, Kapatid si KC Concepcion.

“I’d rather guest KC, she’s under Viva anyway,” sabi niya.

Sa kabila ng gulo, Piolo has maintained his silence na siyang ikinagagalit ng publiko na naniniwalang entitled sila sa panig ng aktor. Hindi komo sikat siya ay wala na itong katapusan. Naniniwala ang ilan na bilang pagtanaw ng utang na loob ng aktor sa media, kailangang magbigay siya ng pahayag. Lalo’t may mga proyekto siyang kailangang ipromote. Tulad ng bago niyang pelikulang Every Breath You Take kapareha si Angelica Panganiban.

Pero bilang pangangalaga sa kanya ng Star Ci­nema, sa presscon ng nasabing pelikula niya, ipinagbawal ang pagtatanong ng mga walang ki­na­laman sa pelikula bagaman at nakaringgan siya ng mga salitang : “I guess may mga bagay na kailangan tayong gawin na naayon sa pagkakataon na ibinibigay sa atin. Ang sa akin po, I guess I’m just going with the flow. Nagtatrabaho ako, kung ano ang pinagagawa sa akin, yun ang gagawin ko. Kung anuman yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po ‘yun. At you deal with it as you go through it. Sa akin po, in time siguro.”

Need you ask for more? Rayver ‘di kayang pakawalan si Cristine

Sa kabila nang pagtutol ng ma­raming nagmamalasakit kay Rayver Cruz dahil sa mga hindi kagandahang pagkatao ng dyowa niyang seksi na si Cristine Reyes at maski na ng kanyang pamilya, ba­litang nagkabalikan sila.

Sana maging maganda ang se­cond episode ng kanilang love story. At baguhin na sana ni Cristine ang kanyang pag-uugali, bago pa mawala ang mga taong nagpapahalaga sa kanya.

Kongresista naniniwalang dapat may National Artist taun-taon

Pangalawang pagkakataon ko nang ma­kita’t makilala ang con­gressman ng first district of Cagayan na si Jack Enrile. Kung inaakala ko na magiging anino lang siya ng kanyang mabun­ying ama na tumatayong hurado sa kasaluku­yang gina­ganap na impeachment kay Chief Justice Renato Corona, maling-mali ako. Sa pakikipag-usap sa ilang piling entertainment press/friends ng kasamahang Jobert Sucaldito, na isa niyang kaibigan, ipi­namalas niya na matalino rin siya at maraming kaalaman, isang malaking bagay para sa gagawin niyang pagtakbo sa Senado sa darating na eleksiyon. 

Samantala, naniniwala ang kongresista na kailangan ng ka­unting tulak para maiangat muli ang industriya natin ng entertainment. 

Naniniwala rin siya na taun-taon ay dapat may mapiling National Artist para sa local entertainment.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CHIEF JUSTICE

CRISTINE

CRISTINE REYES

EVERY BREATH YOU

JACK ENRILE

JOBERT SUCALDITO

KASAMA MO

NATIONAL ARTIST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with