^

PSN Showbiz

Rufa Mae hindi na pinaniniwalaan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hanggang ngayon hindi pa matukoy ang dahilan ng pamamaalam ni Rufa Mae Quinto sa Showbz Central. Iba-iba kasi ang mga sinasabi niya, hindi consistent. Sana nga totoo na gusto lang niyang mag-concentrate sa ibang bagay.

Na hindi totoong sinasanay lang niya ang kanyang sarili para sa balitang paglipat niya. Balita kasi ito at ewan kung dapat kong paniwalaan pero may posibilidad, ’di ba?

Kung sakali, eh good luck na lang sa kanya. Siguro nga may maganda siyang inaasahan sa mga desisyon niya. Nagiging redundant na kasi siya.  Maski sa kanyang mga deklarasyon, paiba-iba ang sinasabi. Its time na maging matapat siya sa mga binibitawan niyang salita. Otherwise, wala ng maniniwala sa kanya.

Magkakadugo sa showbiz ayaw magkaa­yos

Ang gulu-gulo naman ng showbiz! Ang daming nag-aaway hindi lamang mga artista kundi maging ’yung mga magkakamag-anak. Tulad nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa. ’Tapos ngayon nina Ara Mina at Cristine Reyes.

Itong away ng mga magkakadugo ang ikinalulungkot ko ng labis dahil parang nakakalimutan nila ang dugong nag-uugnay sa kanila. At bakit parang ayaw nilang magkaayos? Parang enjoy pa silang nag-aaway-away sila at nagpapataasan ng ihi. Dulot ba ito ng kasikatan o ng yaman na naipon na nila?

Ang nakagugulat, sa kabila ng mga gulo at intriga na dulot ng showbiz, ang dami-dami pa ring nagpapakamatay maging artista lamang. Agree ako na isa sa pinakamagandang pagkakakitaan ang pag-aartista pero hindi lahat ng artista ay sinusuwerte. Marami rin ang nabibigo. At maikli lamang ang life span ng artista ngayon, kakaunti ang nagtatagal at yumayaman. ’Yun lamang kapag sinuwerte ka ay biglang yaman talaga. Pero most of the time, it’s hard work.

John natatanggap na ang rewards

Talagang gustong maging isang malaking artista ni John Lapus. At naniniwala siyang walang small roles, only small actors. After maging bida at title roler sa Moron 5 and the Crying Lady, eto siya at suporta lamang sa The Mommy Returns. But he doesn’t mind. Ang concern niya ay makapagbigay ng isang magandang performance. So far, wagi siya. Marami siyang assignments.

Ang magpatuloy sa magandang takbo ng kanyang career ay sapat ng sukli sa kanyang pagpupun­yagi. His time is slowly coming into view. Ginagantimpalaan na ang kanyang talent.

vuukle comment

ARA MINA

CRISTINE REYES

CRYING LADY

HELEN GAMBOA

JOHN LAPUS

MARAMI

MOMMY RETURNS

RUFA MAE QUINTO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with