^

PSN Showbiz

Asawa ni Jose Manalo sinungaling?!

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Hanep din namang maglubid ng mga kasinungalingan ang asawa ni Jose Manalo na si Annalyn Manalo sa interview niya sa TV Patrol. Pati anak ay isinasama na sa interbyu upang makakuha ng simpatiya ng publiko.

Para sa kaalaman ng lahat, kinukubra pa rin ni Annalyn ang suweldo ni Jose sa Eat Bulaga at sa mga shows na line produced ng M-ZET TV sa TV5. Bayad lahat ni Jose ang pag-aaral ng dalawa pang anak.

Pati nga kita ng resort sa Quezon City ay kay Annalyn din lahat napupunta kaya naman gran­ting without admitting na naghanap ang komed­yante ng ibang babae, sino ba ang may mas ma­laking pagkakasala?

Ang tanong nga ng marami: Saan napupunta ang perang kinukuha ni Annalyn? Ito ba ang ipinam­babayad niya sa lahat ng mga inutangan niya?

Kung mahal ni Annalyn si Jose, mas mabuting tumahimik na lang siya. Pag-usapan ang dapat pag-usapan. Hindi ’yung pati baho ng pamilya ay nabubulatlat sa publiko!

 Dapat ngang magpasalamat si Annalyn dahil tahimik lang si Jose ngayon. Target kausapin ng mga TV talk shows ang komedyante pero dahil pamilya niya rin ang masisira, mas minabuti niyang maging tikom ang bibig.  Tutal naman mas marami ang nakikisimpatiya sa kanya kesa sa asawa ’no?

Eh balita namin, idinemanda na ni Annalyn si Jose at magkakaroon na ng hearing sa fiscal next month.

One of these days, mag-i-issue rin ng statement ang kampo ni Jose tungkol sa paratang ng kanyang asawa.

Break up pinanindigan

Hindi rin nakaligtas si Cristalle Henares, anak ni Dr. Vicki Belo, na magbigay ng pahayag tungkol sa break up ng ina niya sa boyfriend nitong si Hayden Kho, Jr. sa launching ng bago nilang endorser na si Vice Ganda.

“For once, nakita ko na pinaninindigan niya ang break up. Since then, she’s moving on.

“Of course, it doesn’t excite me. Siyempre, they’ve been on for five years and it’s not easy going­ through a break up. I can understand. Kaya naman ako, I stay over with her. Nag-a-activities kami. I kiss and hug her to show my love to her. Breaking up is not an easy thing to do. We went to Victory Church together a few days ago,” paliwanag ni Cristalle sa sitwasyon ng ina.

Gwen sinundan-sundan ng babaeng multo

Isa’t kalahating buwan ding nanatili si Gwen Zamora sa Jakarta, Indonesia para tapusin ang shooting niya ng The Witness na sa ating bansa unang iri-release. Pero hindi kagaya ng experience niya sa tapings and shootings ng movie, dire-diretso ang trabahong ginawa para sa pelikula.

“’Yung first five days ko parang orientation. Script reading. So, maybe a month…It’s almost the same set up here. Doon lang, araw-araw ang shooting namin. Sunud-sunod. Unlike here na may waiting time ka na puwedeng matulog, doon dire-diretso. Usually, afternoon ang call time namin at sunrise na natatapos,” kuwento ni Gwen sa exper­ience niya sa Indonesia.

Wala namang special treatment na nadama si Gwen habang nagsyu-shooting. Tinatanong lang siya kung ano ang gustong kainin at nakikisabay siya ng pagkain sa staff and crew sa lapag.

Bukod sa Pilipinas, ilalabas din sa Singapore sa April ang The Witness at iba pang bansa sa Asia. ’Yun nga lang, walang nanligaw kay Gwen habang nasa Jakarta.

“Pero may moomoo daw sa house na parang may gusto sa akin! Weird pero babae siya. Hindi naman gusto. ’Yung palagi akong sinusundan. Gustung-gusto ako,” tsika pa ni Gwen na napapanood din ngayon sa Biritera.

vuukle comment

ANNALYN

ANNALYN MANALO

CRISTALLE HENARES

EAT BULAGA

GWEN

GWEN ZAMORA

HAYDEN KHO

JOSE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with