^

PSN Showbiz

Toni at Alex hindi nagpapatalbugan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Maipagkakapuri rin pala ang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex. Makakatapos din ito ng kanyang kursong Humanities sa University of Asia and the Pacific. Medyo tumagal nga lamang ang kanyang apat na taong kurso. Naging anim na taon ito pero ang mahalaga ay natapos siya.

At dahil sa kanyang accomplishment ay na-inspire si Toni na magtapos din ng kolehiyo, babalikan nito ang kanyang pag-aaral.

Ganda naman ng im­pluwensiyahan ng magkapatid. Kesa magka­roon ng professional ri­­valry dahil pareho ang work nila, nagtutulungan sila, nagsusuportahan. Ma­ganda silang ehemplo, ‘di ba?

Regine tanggap na crush ni ogie si Solenn

Hindi kaya nati-threaten si Regine Velasquez kay Solenn Heussaff? After all, open si Ogie Alcasid sa pagsasabing crush niya ang sexy star.

But knowing ang pinagdaanan nina Ogie at Regine bago sila nakasal, walang magiging hadlang para sa patuloy na pagganda ng kanilang marriage.

Mas maganda nga ‘yung nagkaka-crush sa iba si Ogie, lalo lang niyang napapatunayan kung gaano niya kamahal si Regine.

DongYi kinababaliwan

Hindi lang ang mga local soaps ang sinusubaybayan ng marami sa GMA kundi maging ang Koreanovela nitong DongYi. Kilig na kilig ang marami sa magandang kuwento ng pag-ibig ng isang hari at isang DH sa kanyang palasyo. Ewan kung saan aabot ang kanilang love story.

Ayaw kong ipakuwento sa aking maid of honor (DH) na napanood na ang kabuuan ng istorya dahil masisira ang aking panonood.

Panoorin n’yo na lang at sigurado ako, magugustuhan n’yo rin ang DongYi.

vuukle comment

ALEX

AYAW

EWAN

KESA

OGIE

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

SOLENN HEUSSAFF

TONI GONZAGA

UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with