^

PSN Showbiz

Jake, sensual at explosive ang love scenes kay Shaina!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Abala si Jake Cuenca ngayon sa kanyang bagong teleserye kaya wala siyang panahon na muling pumasok sa isang relasyon. Matatandaang si Melissa Ricks pa ang kanyang huling kasintahan at nagkahiwalay sila noong isang taon.

“Now I’m taking my time pero tulad ng sinabi ko kung may nakita ako, alam kong gusto ko at alam kong magtatagal, go! Sa ngayon wala pa, trabaho lang muna,” pahayag ni Jake.

Proud na proud ang aktor sa kanilang serye ni Shaina Magdayao at Bangs Garcia dahil kakaiba talaga ang tema nito na tumatalakay sa buhay ng OFWs (Overseas Filipino Workers).

“Ang makikita n’yo rito ay very real ang mga stories, ang mga characters based sa mga kuwento ng OFWs talaga. So ’yung mga problema na pinaghahandaan namin based on real stories ’yan,” pagmamalaki ng aktor.

Ibang-ibang Shaina ang masasaksihan ng mga manonood dito at gumawa rin ng ilang maiinit na eksena ang dalaga kasama si Jake.

“Kaya nga ibang Shaina ang makikita n’yo kasi ’yung mga characters namin dito very sensual. Siyempre ’yung maseselang mga eksena medyo explosive ’di ba? Kasi hindi mo nakasama ang asawa mo for a long time so kapag nagtugma kayo, intense talaga,” dagdag pa ni Jake.

Hindi kaya nailang ang binata sa ginawa nilang maiinit na eksena ni Shaina lalo pa’t alam ni Jake na kasintahan ni Shaina si John Lloyd Cruz? “Shai is very professional. Matagal na kaming nagtatrabaho ni Shai. Alam na niya kung paano ako magtrabaho. Alam na niya kung gaano ako ka-professional when it comes to that. Inalalayan ko rin siya kasi alam ko hindi siya sanay sa scenes like that. I’m thankful to her kasi she trusted me. May tiwala siya sa akin,” paliwanag ni Jake.

Gab at Coleen date nang date

Inamin ni Gab Valenciano na lumalabas na sila ng It’s Showtime host na si Coleen Garcia. Sila rin ang magkasama noong Valentine’s Day.

“Yeah, we hang out. We watched the PBA (Philippine Basketball Association) kasi Cesca Litton texted me and invited me to watch a game. I asked her if I could bring my friends Eric Tai and Coleen. She agreed, so we all watched together. We all went to dinner. Then after that, nagkayayaan kami na magpunta sa Republiq,” kuwento ni Gab.

Nagkakamabutihan na kaya sila sa ngayon? “Coleen and I are good friends and we are definitely getting to know each other. At this point, I’m not ready to invest that much emotion but I’m very happy with our friendship. Coleen has been really awesome when it comes to being there for me. I always make it a point na whenever we’re hanging out together, hindi siya ’yung posibilidad na may romantic na mangyayari. We eat, just chill out, sometimes we just walk, and talk about the most random things,” pagtatapat pa ng binata.

Makakasama si Gab bilang isa sa mga co-hosts ng pinakabagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALAM

BANGS GARCIA

CESCA LITTON

COLEEN

COLEEN AND I

COLEEN GARCIA

ERIC TAI

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with