John Lloyd nakapag-ipon na para sa kasal
Hindi pa man kumpirmadong nagkabalikan na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ay marami pa ring nagtatanong sa aktor kung mayroon na ba siyang planong lumagay sa tahimik. Ngayon kasi ay nag-iipon na si Lloydie para susunod na kabanata ng kanyang buhay.
“Marriage, I’m not saying na malayo pa because I’m 28 years old now. Siguro mahirap sabihin, naniniwala kasi ako na kapag nakasalubong mo, then you fall in love with each other okay na,” pahayag ni John Lloyd.
“Puwede naman na na-meet mo na ’yung girl pero hindi mo alam na at that time na siya na pala ’yun. I guess it’s a very personal thing na kapag nangyari na sa ’yo, you want to get married na.”
Kailan kaya dapat magpakasal sa babaeng mahal niya?
“Ideally, five more years, and sana within that five years. I guess the next relationship would be a set up na for the next five years. As of this very moment wala pa sa isip ko ’yung marriage pero ’yung mga ini-invest ko ngayon, puwede mo nang tawagin na set up ko for the future,” sagot ni Lloydie.
Pokwang payag mag-tnt
Sa Jan. 8 ay showing na ang pelikula ni Pokwang na A Mother’s Story. Sobrang nakaka-relate ang komedyana sa kanyang pelikula dahil talagang naranasan niya ang hirap ng isang OFW (Overseas Filipino Worker) noon. Bago naging artista si Pokwang ay naranasan niyang maging entertainer sa Japan at Middle East para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya sa Pilipinas.
“Sa Japan naka-two years ako, six months lagi ang kontrata. Pahinga ’tapos balik na naman. Sa Abu Dhabi six months lang,” bungad ni Pokwang.
Minsan daw ay talagang kailangang mag-TNT (Tago Nang Tago) ng mga kababayan natin sa ibang bansa para magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga iniwang pamilya sa Pilipinas. Maging siya mismo ay payag ding mag-TNT kung sakaling malalagay siya sa ganoong sitwasyon.
“Bakit hindi? Kahit masakit, kahit alam mong bawal pero alam mong ikagaganda ng buhay ng pamilya mo, lahat gagawin mo para sa pamilya mo,” pagtatapat ng aktres. — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest


























