^

PSN Showbiz

Ruffa makikipagtsikahan kay BB sa New York

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Happy 2012 to all! Masagana na Bagong Taon ang hiling ko para sa ating lahat.

Guminhawa na sana ang ating bayan, mabawasan ang mga kalamidad at maging maligaya ang lahat ng Pilipino sa pagpasok ng 2012.

May mga artista na nag-celebrate ng New Year sa New York City. Naroon ang magkakapatid na Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez, ang komed­yanteng si John Lapus, at Kris Aquino.

Magkikita sa New York sina Ruffa at BB Gandanghari na matagal nang based doon.

I’m sure, maraming baon na kuwento si Ruffa tungkol kay BB pagbabalik niya sa Pilipinas.

Matagal nang friends ang dalawa dahil naging asawa pa ni Carmina Villarroel si BB noong Rustom Padilla pa ito. Alam nating lahat na matalik na magkaibigan sina Ruffa at Carmina na partner nga­yon ni Zoren Legaspi na ex-boyfriend ni Ruffa.

Nakatira rin sa New York si Samantha Lopez na kaibigan din ni Ruffa. Malamang na mag-hook up din ang dalawa.

Maliit lang ang mundo ng mga Pilipino sa New York. Sila-sila rin ang madalas na magkakasama.

Like magkumareng-magkumare sina Samantha at BB. Ang dalawa ang palaging nagkikita sa mga sosyalan ng mga Pinoy sa New York.

Nakatira rin sa New York ang alaga ko na si Dindi Gallardo na magbabakasyon sa Pilipinas nga­yong January.

Kasama ng dating aktres sa kanyang Manila vacation ang mister niya na si Eric Mills.

Ipinadala na ni Dindi ang kanyang schedule habang nasa Pilipinas.

Pupunta sila ng mister niya sa Boracay at magbabakasyon din sila sa Bangkok, Thailand.

Matagal na nadestino ang asawa ni Dindi sa Bangkok kaya love na love nito ang mga Thai. Excited na siyang umuwi ng Pilipinas dahil mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang bumalik siya sa Amerika at mag-goodbye sa showbiz.

Hitman ipapalabas na

Hindi natuloy ang showing ng Hitman noong Nov­ember pero may balita na matutuloy ang showing ngayong January.

Ang Hitman ang pelikula nina Cesar Montano, Phillip Salvador, at Mark Herras.

Si Cesar ang direktor at producer ng pelikula. Siya rin ang sumulat ng kuwento ng Hitman.

Maganda ang resulta sa box office ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Ang sabi, nasabik ang mga tao sa action movies at kung totoo ito, tatangkilikin din nila ang Hitman na aksyon na aksyon ang tema.

Shalani, paborito ang dos

Hinihintay ko pa ang go-signal ni Shalani Soledad bago ko i-share sa dear readers ng PSN ang mga importanteng de­talye ng altar date nila ni Congressman Roman Romulo sa Jan. 22.

Basta ang isang kum­­pirmado, favorite ni Shalani ang number 2 kaya 22nd ang petsa ng kasal na pinili nila ni Papa Roman.

vuukle comment

ANG HITMAN

ASIONG SALONGA STORY

BAGONG TAON

CARMINA VILLARROEL

CESAR MONTANO

HITMAN

NEW YORK

PILIPINAS

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with