^

PSN Showbiz

Erich excited kay Mario

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sobrang excited na ngayon si Erich Gonzales sa pelikulang gagawin nila ng Thai superstar na si Mario Maurer. Tinatapos lamang daw ng dalaga ang ilan niyang proyekto at agad nilang sisimulan ang shooting ng pelikula. “Tuloy na tuloy na po talaga siya. Next year na po siya mag-start. Kumbaga tatapusin ko na lang po ‘yung Maria La Del Barrio and Star Magic tour lang po kami tapos magsu-shoot na po kami ng movie,” pahayag ni Erich.

Ayon sa dalaga ay naipaliwanag na raw sa kanilang dalawa ni Mario kung paano ang magi­ging istorya ng kanilang pelikula. “Noong first meeting po namin parang naging storycon na rin siya sa aming dala­wa kasi nandoon na rin ‘yung writers at in-explain sa amin ‘yung story, ‘yung tatakbuhin, kung saan kaming dalawa galing. Sobrang nakaka-excite at ang ganda po talaga ng story,” kuwento ng dalaga.

Ano nga ba ang dapat abangan ng mga tagahanga sa bagong proyekto nina Mario at Erich? “’Yung story po kuwento siya ng dalawang tao na may pinagdaanang hindi maganda tapos nag-meet sila. Kumbaga natagpuan nila ang isa’t isa tapos ano ang pipiliin mo. ‘Yung taong mahal mo o ‘yung pangarap mo? Kakaiba dahil po siguro unang-una kasi ‘yung leading man ko Asian heartthrob tapos isu-shoot siya sa Thailand tapos dito (Pilipinas) din po. I know it’s going to be fun kasi si Direk Rory Quintos ang magdidirek,” paglalahad pa ng young actress.

Wala rin daw magiging problema sa lahat ng tagahanga ng tambalan nina Erich at Enchong Dee ang nasabing proyekto dahil open naman daw ang mga ito sa indivual projects nina Enchong at E­rich. Katunayan ay excited na rin daw ang lahat ng fans ng En-Rich (Enchong-Erich tandem) na mapanood ang bagong tambalan nina Erich at ng Thai heartthrob.

Sir Boy’s food republique sinusugod na!

Kamakailan ay ginanap ang grand opening ng aming ini-endorsong restaurant, ang Sir Boy’s Food Republique na matatagpuan sa no. 29 Panay Avenue corner near Roces street, Quezon city. Sina house speaker Sonny Belmonte, Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at brgy. Captain Leopoldo Tiamzon ang nag-ribbon cutting bilang opisyal na pagbubukas ng restaurant.

Nagpunta rin sina Ariel Rivera, Gelli De Belen, Sitti, Tintin Bersola, Julius Babao, Phoemela Baranda, Erik Santos, Diana Zubiri, at marami pang iba sa nasabing event.

Ang aming mabuting kaibigan na si Boy So ang nagma-may-ari ng Sir Boy’s Food Republique na siya ring may-ari ng La Carmela de Boracay Resort Hotel. Ipinagmamalaki ng restaurant ang mga pagkain na lutong bahay at paiba-iba ang menu dito araw-araw. Dinarayo rin ng karamihan ang buffet sa halagang P99.00 from 10 am to 10 pm.

Mayroon ding Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, at wanton noodles) Sir Boy’s BBQ (pork and chicken bbq at bam-i) Sweet Boy (cakes and pastries) at Sir Boy’s Dampa (fresh sea food na niluluto).

Hindi kasama ang ibang mga food outlet na ito sa eat all you can buffet. Kaya kaibigan, ano pang hinihintay ninyo? Sugod na sa Sir Boy’s Food Republique at tuklasin ang kakaibang sarap ng pagkain dito sa murang halaga lamang.      –Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ARIEL RIVERA

BORACAY RESORT HOTEL

BOY

BOY SO

CAPTAIN LEOPOLDO TIAMZON

ERICH

FOOD REPUBLIQUE

SIR BOY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with