^

PSN Showbiz

Gwen sure na sa final round ng Miss World

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bukas na pala, Lunes, (Nobyembre 7), 10:00 a.m ieere ng GMA 7 ang 2011 Miss World Pageant na gaganapin sa Earls Court Exhibition Center, London, England.

Maraming naghihintay na mapanood ang pambato ng bansa na si Gwendoline Ruais, ang kandidatang napili bilang pinakaunang Miss World Philippines noong Setyembre.

Ngayon pa lamang ay nagpapakitang-gilas at nakakatawag-pansin na si Gwen sa international pageant. Matagumpay siyang nakapasok sa tatlong Fast Track o pre-pageant events ng Miss World. Kabilang siya sa Top 20 Beach Beauties (swimsuit), Top 20 Model Semi-Finalists (modeling) at Top 30 Presentations for Beauty with a Purpose (charities at causes). 

Kapag nagwagi si Gwen sa alinmang Fast Track event, garantisadong makakasali siya sa final round ng kumpetisyon. 

Actually hindi lang si Gwendoline ang Pinay na kalahok sa gaganaping Miss World ngayong taon.

Tatlo sila – Miss Canada at Miss Denmark.

May mga dugong Pinoy sila at excited ang marami kung sino sa kanila ang makakasungkit ng korona sa Miss World 2011.

Si Riza Santos na dating housemate ng Pinoy Big Brother ay kandidata ng Canada at Half Pinay din ang representative ng Denmark na si Maya Celeste Padillo Olesen.

Tingnan natin kung makakapasok ang tatlo sa top 5 ng Miss World.

Ramona hinahamon  ni Cong. Lani

“Kung tunay na mahal ni Ramona si Daddy (Ramon Revilla Sr.) she should once and for all come back and tell the truth.The truth will set you free,” tweet kahapon ni Representative Lani Mercado tungkol kay Ramona Bautista na umeskapo pa-HK at balitang didiretso na sa Turkey kung saan nandun ang kanyang asawa.

Mas lumalim pa ang problema ngayon sa pagpatay sa kapatid ni Ramona na si Ramgen sa kanyang pagpunta sa Turkey matapos magpa-interview sa ANC na paputul-putol at parang nag-iisip muna bago sumagot sa anchor.

vuukle comment

BEACH BEAUTIES

EARLS COURT EXHIBITION CENTER

FAST TRACK

GWEN

GWENDOLINE RUAIS

HALF PINAY

LANI MERCADO

MISS

MISS WORLD

RAMONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with