^

PSN Showbiz

Charice, anghel ang tingin sa amang pinatay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Hiling ni Charice na all white ang suot ng kanyang ama sa kabaong dahil tingin niya, ito ang isa pa niyang anghel pagkatapos mamatay ang kanyang kapatid.

“After my brother’s death years ago, alam ko na dalawa na silang guardian angel ko. So, I want him to look like an angel in person.

“I want everybody to wear black, I just want my dad to wear white,” pahayag ni Charice.

Nilinaw na rin nitong okay na sila ng mga kapatid ng kanyang amang si Ricky Pempengco, kaya bilang respeto na lang sa kanilang pamilya, huwag nang palakihin ang mga intriga sa kanila.

PAK : Naramdaman ni Sarah Lahbati na seryoso si Derrick Mo­nasterio sa panliligaw sa kanya at na-appreciate naman niya ito.

Kaya lang mas gusto niyang mag-focus muna sa trabaho lalo na’t magsisimula na ang Kokak na bale launching project niya sa GMA 7.

Pero inamin naman ni Sarah na si Derrick ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon.

BOOM : Hindi na itinuloy ni Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado ang pag-alis nila pa-Amerika dahil ayaw nilang iwan itong kaso nang pagpaslang kay Ram Revilla.

Parang mala-soap opera na ang kuwento ng pamilya nila ngayon at marami ang gustong sumubaybay at gustong malaman kung ano ang kahihinatnan ng kuwento.

Nang nakausap namin si Lani ay halatang pagod na pagod na sila sa maraming twist sa istorya lalo na’t sangkot na ang mismong dalawang kapatid ni Ram at ang latest ay idinadamay pa ang sarili nitong inang si Genelyn Magsaysay.

Kaya mahirap itong bitawan, kaya personal itong tinututukan ni Sen. Bong.

vuukle comment

AMERIKA

BONG REVILLA

CHARICE

DERRICK MO

GENELYN MAGSAYSAY

KAYA

LANI MERCADO

RAM REVILLA

RICKY PEMPENGCO

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with