^

PSN Showbiz

Kris atras muna sa pulitika sa 2013!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tinanggap ni Kris Aquino ang offer ni United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) chief Antonio Guterres na maging goodwill ambassador for Asia ng UNHCR and this Tuesday ay may meeting siya with their people.

Nag-tweet si Kris tungkol sa appointment niyang ito: “The appointment is for 3 years & part of the agreement is that I won’t seek any political office for the duration of my United Nations involvement. So, definitely, no seeking elective office in 2013.”

Samantala, tuluy-tuloy ang shooting nina Kris at Dingdong Dantes ng Segunda Mano and this week, Monday, Thursday, and Friday ang kanilang trabaho dahil entry ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Marian mamumudmod ng bigas sa Pasko

Hindi alam ni Marian Rivera na habang ini-interview siya sa Thanksgiving presscon ng Amaya, nakatingin sa Chanel niyang necklace at white Hermes bag ang press. Simple kung tutuusin ang suot ng aktres that time, kumislap siya sa necklace at bag na naalala namin ay birthday gift niya sa sarili.

Dahil na-extend ang Amaya, next year na magagawa ang sitcom ni Marian. Sabi nito, ni-request niya sa GMA 7 management kung puwedeng kasama pa rin ang nakasama nila ni Manny Pacquiao sa Show Me Da Many na wala sa Manny, Many Prizes. May binanggit na pangalan ng aktres ang press at tinanong si Marian kung gusto pa rin niyang makasama sa sitcom.

 “Malinis ang konsensiya ko, kahit sino, wala akong inaayawan. Lahat sila welcome sa aking mundo,” sabi ni Marian.

Samantala, in her free time, naglilista na si Ma­rian ng kanyang mga inaanak na ang bilang niya ay aabot ng 80. Katulong niya ang lola niya na mabuti’t kilala lahat ang mga inaanak niya. Inihahanda na rin nito ang regalo sa kanyang mga kapitbahay sa Cavite and this time, bigas ang kanyang ibibigay.

Aktres nilatagan na ng projects,  hindi na lilipat ng network

Mukhang nagbago ang plano ng aktres na ito at batay sa mga sinabi sa huli niyang presscon, wala na siyang balak umalis ng network kung saan siya nakakontrata dahil binanggit ang mga naka-line up niyang projects for next year.

Ang alam kasi namin, gusto niyang lumipat ng network and in fact, naghihintay na sa kanya ang show sa isang network. Pero sa mga narinig sa aktres, mukhang mananatili pa siya sa kanyang home network.

Sabagay, ilang buwan pa bago mag-expire ang kontrata ng aktres sa network na nag-build up sa kanya. Hintayin natin ang kanyang magiging final decision, kung mananatili sa network o susubok sa iba.

Sid puro tattoo ang tiyan

Napa-comment ng astig si Sid Lucero nang ma­lamang release na ang volume 1 ng DVD copy ng Amaya at bibili rin siya para may souvenir sa longest-running epic serye na kanyang sinamahan.

’Katuwa rin si Sid dahil nang tanungin namin sa kanyang mga tattoo sa Amaya, biglang nililis ang T-shirt at ipinakita ang tiyan na puro tattoo. 

Kasama si Sid sa Legacy, pero hindi niya alam kung tuloy pa siya dahil extended up to Jan. 13 ang epic serye. 

vuukle comment

AMAYA

ANTONIO GUTERRES

DINGDONG DANTES

KANYANG

KRIS AQUINO

MANY PRIZES

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with