^

PSN Showbiz

Kris hindi matanggihan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Wala raw artistang makatanggi kay Kris Aquino. Kaya pala napapanood natin sa programa niyang Kris TV ang mga bonggang bahay ng mga kapwa niya Kapamilya stars. Once na mag-request na kasi si Kris, yes na agad. Nahihiya raw kasi sa tinaguriang Queen of All Media.

Sa Kris TV, ipinakita na ang bahay ng maraming artista tulad nina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Pokwang, Kim Chiu, at marami pa.

Last niyang pinuntahan ang bahay ng pamilya ni Matteo Guidicelli. Mayaman sila at kitang-kita sa hitsura ng bahay. Suwerte si Maja Salvador kay Matteo ha?

Pero may ilang bahay din na pinuntahan ni Kris na hindi bongga.

Anyway, bukod sa Kris TV, kamakailan lang ay inilunsad ang pinakabagong mga produkto ng kanyang K Everyday kitchen and home collection sa The Event Center, Building A, SM Megamall.

Nakipag-tsikahan siya sa mga fans sa nasabing event.

Maselan at metikuloso sa bahay si Kris. Bilang isang ina at taong-bahay, tinitiyak niya raw na ang mga produktong kanyang gagamitin ay subok. 

Kaya nga ipinagmamalaki ni Kris ang K Everyday na koleksiyon ng mga gamit pang-luto, pang-kusina, pambahay, at iba pang makulay at kapaki-pakinabang. Sa koleksiyon ni Kris, mayroon ding stationery at paper products mula sa Sterling Paper. 

At hindi lang mga gamit sa kusina ang ibibenta ng K Everyday. Meron na rin silang foam beds at mattresses.

Pero kung ini-expect ninyong mahal, hindi naman pala.

Mabibili ang K Everyday cookware at mattresses sa SM Homeworld, habang ang stationery, gift wrappers, at gift bags ay maaaring makita sa Stationery and Supplies section ng SM Department Stores nationwide.

Bicolano kauna-unahang Biggest Loser

Matapos magbawas ng pinakamalaking porsiyento ng kanyang paunang timbang laban sa ibang Fab Five contestants, itinanghal na kauna-unahang Pinoy Biggest Loser si Larry Martin nung Sabado ng gabi (Oct. 8) sa grand finale ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

 Sa higanteng pagtatapos kung saan tinimbang ang Fab Five na sina Angela Lupango, Art Mendoza, Hazel Chua, at Raffy Tan pati na ang ibang natanggal nang contestants, nakapagbawas si Larry ng 101 pounds na may katumbas na 39.61 percent ng timbang niya simula sa umpisa ng programa.

Mula 255 pounds, 154 pounds na lang ang bigat ni Larry.

Dinaig niya ang second placer na si Art, na may weight loss percentage na 37.83 percent mula sa paunang timbang niyang 341 pounds.

Kasalukuyang 212 pounds ang timbang ni Art matapos makapagbawas ng 129 pounds.

“Nanginginig na ako kasi nagtitimbang ako sa labas eh. Alam ko ’yung timbang ko. Ang kinatatakutan ko lang talaga ay si Art,” ayon kay Larry.

Iniuwi ng taga-Camarines Sur ang mga bigating papremyong isang milyong piso, isang bagong condominium unit mula sa DMCI Homes, isang Vespa scooter, isang 40” Sony Bravia Internet TV, P100,000 worth of salon services, Whirlpool appliances, at pang-habambuhay na Fitness First membership.

Ang third placer namang si Raffy ay nakapagtala ng 34.84 na weight loss percentage na katumbas sa 100 pounds. Sina Angela at Hazel ay nagtapos sa ika-apat at ika-limang puwesto na may weight loss percentage na 33.63 percent at 33.01 percent.

Ipinahayag din ng ABS-CBN chairman at CEO na si Eugenio Lopez III na tig-iisang makakakuha ng P500,000 sina Art, Raffy, Angela, at Hazel.

Nanalo rin si Art ng isang Vespa, Whirlpool appliances, P50,000 worth of salon services, at isang taong Fitness First membership, samantalang nakakakuha si Raffy ng isang Vespa scooter, Fujidenzo Home Appliances, P25,000 worth of salon services, at isang taong Fitness First membership.

Matapos lisanin ang camp, ipinagpatuloy pa rin ng Fab Five at ng labing-isang at-home Biga­ting Pinoys ang kanilang pagdidiyeta at ehersisyo. At sa grand finale nga nung Sabado ay isa-isa silang rumampa upang ipagmalaki ang kanilang bago at mas magandang hugis.

 “Hindi lang kami nagpakita ng contestants na pumayat at nanalo. Sana nabigyan din namin ng inspirasyon ang mga manonood at natutunan nilang ang dali namang magkaroon ng healthy lifestyle,” sabi ng host na si Sharon Cuneta na malaki rin ang nabawas na timbang.

Balitang may Season 2 na ang programa pero walang official announcement na naganap.

Wait natin kung si Sharon pa rin ang host dahil may balitang may nag-advice sa kanyang hindi bagay sa kanya ang pagho-host ng ganitong programa.

Hala. Kaya wait natin.

Pia umaming kasal na

Umamin na si Pia Guanio na nagkaroon nga sila ng Christian Blessing as in kasal na nga sila ng non-showbiz boyfriend niya.

So, wala namang big deal. Natural sa mga babae ang ikasal kung gusto nila. Kaya ’wag na nating kalkalin kung gusto ng bagong kasal na maging pribado ang kanilang buhay.    

FAB FIVE

FITNESS FIRST

ISANG

K EVERYDAY

KAYA

KRIS

RAFFY

VESPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with