^

PSN Showbiz

Barangay LS FM 97.1 ilulunsad ng ikalawang yugto ng TugStugan Na!

-

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, October 9, gagawa ng panibagong ingay ang flagship FM station ng GMA Network, Barangay LS 97.1, sa paglulunsad ng ikalawang yugto ng kampanyang TugStugan Na sa Party Pilipinas.

Simula nang umere mula sa isang makeshift studio sa Maynila noong 1955 ang kauna-unahang pop music station sa bansa, naging sentro na ito ng tugtugan – mula OPM, pop, disco, rock, ballad, at iba pa, pati katatawanan, mga payo tungkol sa buhay pag-ibig, infotainment at iba pang listening pleasures.

“Given the spike LS charted on the ratings board, we foresee a stronger station performance that will cater and extend to all people across age groups and eco-classes,” ani Barangay LS Program Director Glenn Allona.

Matutunghayan ang mga ‘crazy fun’ programs sa paghahatid ng Barangay LS ng ‘non-stop na tugtugan, non-stop pa sa tawanan’ 24 hours a day, seven days a week.

Sina Papa Jepoy, Papa Bodjie, at Mama Cy, mapapakinggan sa Potpot and Friends, Mondays to Fridays 5:00 a.m.-8:00 a.m. at Saturdays 5:00 a.m. -7:00 a.m. Puno ang programang ito ng explosive on-air interaction sa mga tagapakinig, pati na mga all-hit na kantahan.

Sina Papa Dudut, Ate Liza at Chikotita ng Balita Sa Barangay, Mondays to Fridays 8:00 a.m. -11:00 a.m. at Saturdays 7:00 a.m.-9:00 a.m., palaging may handang human interest stories at showbiz scoopers. Kasama rin sa line-up ang mga mellow at upbeat na tugtugan.

Sina Papa Tolits, Mama Belle, at Papa Baldo, bibida sa Kuwentong Barangay, Mondays to Fridays 11:00 a.m.-1:00 p.m. Hatid dito ang talas sa pagpapatawa, spoofs, at iba pang katatawanan mula sa text messages ng mga tagapakinig.

Samantala, ang Talk to Papa nina Papa Kiko at Papa Obet, Mondays to Fridays 1:00 p.m.-3:00 p.m. at Saturdays 12:00 nn-3:00 p.m., ang all-time go-to talk program ng mga Kapusong may dinadalang problema.  

Sa Three Play, Mondays to Saturdays 3:00 p.m.-9:00 p.m., kasama sina Papa Tolits, Mama Belle at Papa Baldo, hatid ang walang-patid na tugtugan – mapa-Pinoy rock, rap, hiphop, R&B at K-pop.

Sa Wanted Sweetheart ni Papa Dan, Mondays to Fridays 9:00 p.m.-12:00 mn, handog ang kakaibang approach sa on-air matchmaking. Sa ikalawang yugto ng kampanyang TugSTugan Na!, tampok ang Kapuso tween actor na si Jake Vargas sa isang TV commercial na puno ng kakaibang saya. Makakasama niya sina Bea Binene, Kylie Padilla, Sarah Lahbati, Ken Chan at Boobai sa pagpapaigting ng ugnayan ng istasyon sa mga tagapakinig.

vuukle comment

ATE LIZA

BALITA SA BARANGAY

BEA BINENE

JAKE VARGAS

KEN CHAN

KUWENTONG BARANGAY

MAMA BELLE

PAPA

PAPA BALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with