^

PSN Showbiz

Halaga ng programa ni Aga, ayaw ipag-ingay!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ngayong gabi na ang umpisa ng Pinoy Explorer, ang unang programa ni Aga Muhlach sa TV5.

Ginastusan ng Kapatid Network ang unang project ni Aga. Hindi na nila sinasabi ang halaga pero siguradong malaki ito. Sa talent fee pa lang ni Aga, eh ’yun pang airfare, accommodations nila sa paglilibot sa mga bansang kahit ako ay hindi ko alam. Si Direk Rowell Santiago pa na kasama ni Aga na bumiyahe ang direktor nila. Of course, milyones din ang TF ng director na mas nagko-concentrate sa pagdidirek ng concert.

Anyway, bukod sa makikita natin ang mga lugar na bibihira sa pandinig, naiibang educational journey din ito.

Ililibot nila tayo sa iba’t ibang lugar para isang paglalakbay sa mundo ng dinosaurs gamit ang cutting edge technology at state-of-the-art computer graphics.

Sampung araw ang itinagal nila Aga para kunan ang walong episode na magsisimula ngang mapanood ngayong gabi sa kanyang nilipatang bahay.

JayR at Krista ‘nagpa-audition ng manager’ bago napili ang stages

Pormal nang ipinakilala ang magkarelasyong sina Prince of Soul JayR at Krista Kleiner bilang pinakabagong STAGES talents.

Yup, pagkatapos kausapin ang dating manager nila na si Arnold Vegafria, makakasama na sila sa STAGES.

Ka-join na nila sina Christian Bautista, Karylle, Sam Concepcion, Enrique Gil, at Zia Quizon sa kuwadra na pinamumunuan ni Carlo Orosa.

“Aside from being a respectable company, I believe that STAGES has this vision for me and my music. With their ex­perience as a management company, I believe they are knowledgeable enough to market me, as a singer, and my music,” pahayag ni JayR.

Actually, namili ang mag-dyowa bago sila nag-decide na sa STAGES lumipat. Nauna silang nakipag-usap sa PPL headed by Mr. Perry Lansigan. Sumunod ang Corner Stone ni Erik Raymundo, ang management group nina Sam Milby and Erik Santos.

Pero after ng presentation ni Carlo, right away ay nagkaayos na sila.

Maraming plano ang bagong management ng magkarelasyon.

Una ay ang repackaging ni JayR. Actually, true naman na parang nagkaroon ng confusion sa career ng R&B singer. Hindi mo na alam na singer pala siya dahil umakting din siya, nagpa-sexy at naging dakilang alalay pa ng beauty queen na GF sa mga lakaran.

At kahit si Krista ay nagkaroon din ng problema sa GMA Artist Center dahil balitang nagmamaldita siya pagdating sa TF.

Pero mukhang sa pagpasok nila sa STAGES ay masusuheto siya.

Anyway, umaasa si JayR na madadala ang kanyang musika sa mas malawak na scope at mas matinding paraan ng kanyang bagong management group.

Kasalukuyang napapanood si JayR sa GMA shows  Protégé at Party Pilipinas. Malapit na ring gawin ni JayR ang kanyang international promo tour para sa kanyang album sa Universal Records at naka-schedule na ang kick-off tour niya sa Malaysia.

Si Krista naman ay hahasain ang kanyang pagiging total performer dahil bukod sa pagiging beauty queen, magaling din nga naman itong sumayaw, kumanta, umarte, at mag-host. Malapit na rin nitong i-release ang kanyang debut album, produced by JayR.

“I expect STAGES to help further and develop my career,” saad ni Krista. “Their (STAGES) trust, understanding, support, and guidance will help me become a better artist, and will give me opportunities to show it.”

Inamin naman ni Carlo, na bilib siya sa galing ni JayR bilang musikero at sa dedication ni Krista sa pagpe-perform.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ARNOLD VEGAFRIA

ARTIST CENTER

CARLO OROSA

CHRISTIAN BAUTISTA

JAYR

KRISTA

NILA

STAGES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with