^

PSN Showbiz

Daiana tumangging pakasalan si Direk GB!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Inalok na pala ng kasal ni Direk GB Sampedro ang Brazilian na si Daiana Menezes pero tumanggi muna itong mag-asawa ngayon.

Kung sabagay, totoong napakabata pa ni Daiana para mag-asawa. Maganda ang takbo ng kanyang career at isa siya sa kakaunting nakakapag-palipat-lipat sa mga istasyon ng TV. Baka nag-iipon pa ito para mag-asawa man siya ay may dadalhin siyang pera sa papasukin niyang relasyon.

Manilyn kayod nang kayod

Marami nang planong shows para kay Manilyn Reynes ang GMA 7 dahil nakapagsilang na ito. Lubhang naging mahirap ang last pregnancy ni Mane at naapektuhan ang kanyang trabaho pero naintindihan naman ng network na hindi niya ito ginusto. Naremedyuhan naman ito ng istasyon at kung may epekto man sa mga trabaho niya, hindi naman malaki at naremedyuhan agad.

Kim pasadong lalaki

In fairness sa young actress, magandang naitatawid ni Kim Chiu ang pagiging lalaki niya sa My Binondo Girl. Matangi sa kanyang pangangatawan na masasabing alangan para maging katawan ng isang lalaki, pasado siyang lalaki. Kailangan lang sigurong gumamit siya ng mga padding para hindi maging giveaway ang kanyang pagiging girl. Hindi naman siguro bobo ang mga characters nina Matteo Guidicelli at Xian Lim para maloko niya ng matagal.

Senior stars nagkaka-love triangle pa!

Nakakatuwang makita ang mga senior stars na sina Gloria Romero at Boots Anson Roa na magpatalbugan sa acting na parang mga bagets sa Munting Heredera. Biruin mo, napasama pa sila sa isang love triangle involving Robert Arevalo, riot talaga.

At hindi sila nagpapatawa, seryoso sila sa kanilang mga role ha? With Boots completing the love triangle and delineating the role of the kontrabida, panoorin n’yo at maaaliw kayo.

Kung anu-ano na ang mga nagiging pagbabago sa seryeng ito na pati mga bata ay kinariringgan niya ng mga pananalita na pang-matanda lamang. Pero in the fairness to the two kontrabida kids, aba, gumaling na silang artista. Feeling ko nga, pinalutang sila at the expense of the real heredera.

vuukle comment

BOOTS ANSON ROA

DAIANA MENEZES

GLORIA ROMERO

KIM CHIU

MANILYN REYNES

MATTEO GUIDICELLI

MUNTING HEREDERA

MY BINONDO GIRL

ROBERT AREVALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with