^

PSN Showbiz

Shalani at Cong. Romulo mag-on na?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Wow finally, mukhang ito na. Matatali na kaya si Pasig Cong. Roman Romulo?

Na-scoop ni Baby E. sa kanyang column sa Pang Masa (PM) kahapon na dini-date ngayon o baka naman sila na nga ni Cong. Roman na isa ring magaling na abogado ang ex ni presidente Noynoy Aquino na si Shalani Soledad.

Oh yes, at madalas na raw makitang magkasama ang dalawa – nakita sila sa mga sosyal na restaurant sa Pasig, out of town trips at ewan ko kung may magdi-deny na naipakilala na ni Atty. Roman si Councilor Shalani sa parents niyang si ex Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at mommy niyang si Ms. Lovely at mga kapatid na kilala ang kabaitan ng buong bayan.

Ayon sa isang source, nadadalas na raw ang pagkikita ng dalawa at very positive ang pagtanggap ng pamilya ni Atty. Roman sa dalaga at isa ring TV host.

Matagal nang hinihintay ng marami na magka-girlfriend na si Atty. Roman.

Kung mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon, pareho silang suwerte sa isa’t isa.

Si Shalani kasi, mabait din at mahinhing kausap nang makita namin minsan sa birthday blow out ni Ms. Pinky Tobiano para kay Nay Lolit Solis na manager niya.

Wala namang alam sa nasabing relasyon ang ibang kasamahan sa congress ni Atty. Roman.

Carla nag-e-etching lang sa pakikipagbati kay tito mario

Etching lang pala ang press release na gustong makipagbati ni Carla A­bel­lana sa veteran co­lum­nist na si tito Mario Bau­tista.

As in. comment ni tito Mario kung totoong gus­­tong makipag-ayos ni Carla bakit sa mga inter­view lang nito sinasabi sa­mantalang puwedeng-puwede naman siya uling i-e-mail nito katulad ng ginawa niya nang lecturan siya tungkol sa pagsusulat nang magbanggit siya tungkol sa pelikula na My Neighbor’s Wife sa kanyang column.

May punto naman talaga si tito Mario. Ang bilis-bilis lang naman talaga niyang gawin ‘yun kung sincere ang intention niyang makipagbati.

vuukle comment

BABY E

CARLA

CARLA A

COUNCILOR SHALANI

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO ROMULO

MARIO

MARIO BAU

MS. LOVELY

MS. PINKY TOBIANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with