^

PSN Showbiz

Solenn umaming nagmukhang bakla

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakakatuwang kausap si Solenn Heussaff sa presscon ng Temptation Island.

Very open kasi sa pagsasabi ang matangkad at magandang aktres nang aming tanungin kung ano ang ikinaiba nito sa mga kasamahang artistang sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, at Rufa Mae Quinto.

‘‘Nagmukha po akong transvestite dahil ako ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Malalaki rin kasi ang buto ko. Pero maganda naman ang bonding namin dahil nag-work out ang pagsasama naming lahat. Excited na rin kami na mapanood ang pelikula,’’ sabi ng model-actress.

At nang mapag-usapan ang awayang Marian at Heart, ito ang nag-suggest na ’wag na itong pag-usapan dahil hindi makabubuti sa promo ng pelikula.

TOM komportableng maglalakad na naka-brief

Tinanong si Tom Rodriguez na kasama rin sa pelikula kung sino sa mga kababaihang artista ang mate-tempt siya sakaling maiwan nga sila sa isang isla.

‘‘Si Solenn dahil pareho kaming artist at dahil sa background namin magkakaintindihan kami,’’ mabilis na sagot ng aktor.

Sa kabilang banda, naging roommate pala ni Tom si John Lapus habang ginagawa ang pelikula at ayon kay Sweet, lumalakad lang sa kanilang kuwarto si Tom nang naka-brief lang talaga. Pero katuwiran ni Tom na kaya siya pumaparada sa set nang naka-brief lang ay para hindi ma-conscious.

Chris Martinez nai-stress sa pagdidirek ng pelikula

Paano ba makatrabaho ang direktor na si Chris Martinez ng Temptation Island?

Ayon sa mga artista, isa siyang henyo sa pagi­ging direktor at naging Pa­lanca awardee pa. Pero sa ngayon ay mas prayoridad nito ang magdirek ng komersiyal para ’di nai-stress.

Mapapanood ang Temptation Island simula July 6 in theaters nationwide.

vuukle comment

CHRIS MARTINEZ

HEART EVANGELISTA

JOHN LAPUS

LOVI POE

MARIAN RIVERA

PERO

RUFA MAE QUINTO

SI SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with