^

PSN Showbiz

AiAi nag-enjoy sa pandadakma ng 'bukol' ng Hotmen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Ang pina-plug na announcement sa Party Pilipinas ay ang balak na pagpapakasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Inamin na nilang totoong inaayos na ang kasal pero wala pa ang buong detalye kung kailan at kung saan.

Pagkatapos ng Party Pilipinas ay tuluy-tuloy sila umalis at hindi nagpa-interview sa mga reporters na nag-aabang sa kanila.

Tama na muna ang announcement pero hindi pa muna nila maibigay ang buong detalye.

PAK: Riot ang launch ng The Hotmen na ginanap sa Zirkoh, Quezon City nung kamakalawa ng gabi dahil sa participation ni AiAi delas Alas.

Balahuraan talaga ang nangyari pero nag-enjoy ang Box-Office Queen sa pagdakma sa mga “bukol” ng anim na miyembro ng The Hotmen.

Wagi ang carrier single ng naturang grupo na Gamitin Mo Ako dahil bumagay sa balahuraan nila ni AiAi.   

Enjoy ang aktres sa mga ganung show sa Zirkoh lalo na’t ginawa niya ito para sa mga malalapit na kaibigan.

Naging open si AiAi sa pagtulong sa mga nagsisimulang talents dahil sabi nga niya, “Ano pa ba ang gusto kong patunayan? Narating ko naman ito sa tulong ng ibang mga malalapit na kaibigan. Binabalik ko lang ang lahat na blessings na dumarating sa akin.”

Ang wish ng komedyante ngayon ay makasama si Aljur Abrenica sa mga susunod niyang show at mukhang marami na ang nagkakainteres na ipag-produce sila.

BOOM: Hinayang na hinayang si Ruffa Gutierrez dahil hindi ito natuloy sa pag-alis niya ng Amerika para sa opening ng clinic ng Belo Medical Group sa Los Angeles, California.

Dapat ay nung Sabado ang alis niya pero hindi ito natuloy dahil nag-expire na pala ang Turkish passport niya at doon nakatatak ang kanyang US visa.

Hindi naman niya ito puwedeng maikabit sa kanyang Philippine passport dahil Bektas pa ang pangalan niya sa kanyang Turkish passport.  

Si Richard Gutierrez sana ang willing na pumalit pero hindi ito pinayagan ng Captain Barbell dahil kailangan siya sa mga susunod nilang taping.

Nandun naman sina Martin NIevera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha para magbigay entertainment sa naturang opening.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BELO MEDICAL GROUP

BOX-OFFICE QUEEN

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

GAMITIN MO AKO

GARY VALENCIANO

HOTMEN

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with