^

PSN Showbiz

Singer hindi kayang 'manligaw' sa babae

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ang kulit ng fans nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Sunud-sunod ang ginagawa nilang pagpapadala ng e-mail sa entertainment writers para iapela na ipaabot sa management ng ABS-CBN na sana ay unahin ang pelikula nina Angel at John Lloyd kesa sa pelikula nina Angel ka-partner si Aga Muhlach. Malakas na malakas daw ang tambalan ng dalawa dahil sa Imortal kaya sana naman ay igawa na raw sila, pronto.

Aware kaya ang mga bossing ng Dos at Star Cinema sa apelang ito ng mga fans?

Sunud-sunod ang pagpapadala nila ng sulat na aakalain mong may nag-uutos sa kanila na isang lider ng grupo. Pero ayon sa mga sulat nila, marami raw silang TFC subscribers na nag-aapela.

Kung aware man ang mga bossing dito, siguradong hindi rin ito mangyayari dahil malapit na raw matapos ang pelikula nina Angel at Aga at ipapalabas na ito next month.

* * *

Tanong ni Toni Gonzaga sa anak ni ZsaZsa Padilla na si Zia na nag-guest sa The Buzz kahapon, ‘Are you in love now?’

Huh. Ilang taon na ba ang anak ni ZsaZsa para tanungin sa lovelife? Parang baby pa nga ang trato ni ZsaZsa sa anak at maging ng sister nitong si Karylle ay parang bini-baby pa ang kapatid sa ina pero love na ang tinatanong ni Toni.

Ano ba ‘yun?

* * *

Inimbita si Jericho Rosales ni Direk Francis Dela Torre sa Newport Beach International Film Festival sa April 30 na gaganapin sa Regency Lido Theater sa Newport Beach, California para sa kauna-unahang international premiere screening ng pelikulang Subject I Love You kung saan bida ang aktor.

Inaasahan daw dadalo sa nasabing event sina Dean Cain (Superman), Brianna Evigan (Step Up 2), Kristine Bauer (True Blood/HBO) at Dante Basco (Hook).

May cameo role daw sa nasabing pelikula sina Gary Valenciano and Apl de Ap ng Black Eyed Peas.

* * *

Parang hanggang ngayon daw ay nagdurugo pa rin ang puso ng isang singer.

Obserbasyon ng isang malapit sa singer, mukhang hindi pa raw nakaka-move on ang singer sa naging break up nila ng dati niyang karelasyon na ngayon ay may iba na.

“Ayun parang nagmumukmok pa siya. May nabalitaan ka na bang niligawan niya, di ba wala pa?” balik tanong ng source.

Actually ang ibang kaibigan na raw nito ang gumawa ng paraan para magka-dyowa na, pero ayaw daw talaga.

“Baka naman bading ‘yan, sagot ng isang kausap namin.

“Puwede, kasi sino namang tunay na lalaki ang tatanggi kung may nagparamdam na sa ‘yong babae eh hindi mo pa sinunggaban,” sabi uli ng kausap namin.

Hmmm. Ewan ko kung bakla siya. Pero kung hindi nga siya manliligaw, malamang nga ay hurt pa siya sa pang-iiwan sa ere ng dati niyang ‘papa.’

Wait tayo kung hanggang kailan siya magtitiis ng sakit after ng hiwalayan nila ng kanyang ex.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BLACK EYED PEAS

BRIANNA EVIGAN

DANTE BASCO

DEAN CAIN

FRANCIS DELA TORRE

GARY VALENCIANO

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with