^

PSN Showbiz

Sobrang aligaga sa kaso ng dyowa, Lovi ang hirap hagilapin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi nakita si Lovi Poe sa hearing ng kaso ni Congressman Ronald Singson sa Hong Kong noong Biyernes kaya marami ang nagtatanong kung lumipad siya roon bilang suporta sa kanyang rumored boyfriend.

Walang makapag-confirm sa kinaroroonan ni Lovi noong Biyernes pero may show siya kahapon sa SM Tarlac.

Narinig ko rin ang balita na absent si Lovi sa taping ng Show Me Da Manny kaya may mga nag-akala na nagpunta siya sa Hong Kong. Hindi rin siya umapir sa victory party ng My Valentine Girls.

Mahirap malaman ang mga nangyari kay Lovi nitong mga nagdaang araw dahil tikom ang kanyang bibig.

Regal nagpapa-audition ng pamalit kay Pokwang

Naghahanap ng aktres na babagay sa isang role para sa remake ng Temptation Island dahil nawala na sa cast si Pokwang.

Magkakaroon ng audition para sa aktres na babagay sa role na gagampanan dapat ni Pokwang.

Magiging co-prod na ng GMA Films at Regal Films ang Temptation Island na tatampukan nina Marian Rivera, Lovi Poe, at marami pang iba.

Kris kinilig kay Jolo

Parang kinilig si Kris Bernal nang mag-guest siya kahapon sa Startalk at ibuking ko na talagang crush siya ni Jolo Revilla.

In fairness kay Kris, hindi siya ang nagkakalat ng balita na type ni Jolo na ligawan siya dahil hindi ganoong uri ng babae si Kris.

‘Hinahanap ako ni Katrina Paula’

May nagbalita sa akin na hinahanap daw ako ni Katrina Paula dahil type niya na ipa-manage sa akin ang kanyang showbiz career.

The who si Katrina Paula? Siya ang sexy star na diumano’y girlfriend ng suspected carnapper na si Raymond Dominguez. Idinenay noon ni Katrina na may relasyon sila ni Raymond pero may isang anak sila.

Natatandaan ko na nagsalita ako noon sa Startalk na ima-manage ko si Katrina at mukhang siner­yoso niya ang pralala ko.

Kontrobersiyal uli si Katrina dahil sa isyu na nagkaroon siya ng STD. Ready si Katrina na sumailalim sa lahat ng klase ng test, STD at HIV para patunayan na walang katotohanan ang mga paninira sa kanya.

Imbiyerna si Katrina sa baklita na nagsasangkot sa kanyang name sa isyu na wala siyang kinalaman.

Pelikula ng buhay ni Emilio Aguinaldo tuloy na!

Tuloy na tuloy ang pagsasapelikula ng El Presidente, ang filmbio ni General Emilio Aguinaldo na pagbibidahan ni Laguna Governor Jeorge Estre­gan.

Isang malaking presscon ang ginanap kahapon para sa El Presidente at dinaluhan ito nina Jeorge a.k.a ER Ejercito, direktor Tikoy Aguiluz at ng script­writer na si Roy Iglesias.

Excited si ER sa kanyang pelikula na gagastusan ng P100 million. May balak din na isali sa mga inter­national film festival ang movie project.

Hindi ako nakasipot kahapon sa presscon ng El Presidente dahil sa Startalk. May nagkuwento lang sa akin na na-late nang dating si ER dahil nang­galing pa siya sa graduation ng kanyang panganay na anak sa PICC.

Bukod sa El Presidente, gagawin din ni ER ang remake ng Asiong Salonga na ginampanan din noon nina Papa Erap Estrada at Rudy Fernandez sa pelikula. Si Tikoy din ang direktor ng Asiong Salonga na movie ni ER.

                                             

vuukle comment

ASIONG SALONGA

EL PRESIDENTE

HONG KONG

KATRINA

KATRINA PAULA

LOVI

LOVI POE

POKWANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with