^

PSN Showbiz

Kris ayaw na sa guwapo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Forty years old na si Kris Aquino sa birthday niya bukas, February 14 at wala siyang big party. In fact, nauna na noong Feb. 12 ang simple dinner party niya na 40 people close to her ang imbitado at ilan lang ang taga-showbiz, gaya nina Boy Abunda, Zsa Zsa Padilla, Cong. Lucy Torres-Gomez and husband Richard Gomez.

Hindi invited si James Yap at hindi rin nakarating ang nali-link kay Kris nga­yon na si Ted Failon.

Natanong ang TV host-actress sa kanyang birthday wish?

“Bukod sa patience and fortitude, ang prayers ko when I’m legally free, sana God will give me into my life, ito ang description ko. I want somebody trustworthy, somebody driven, somebody intelligent & somebody articulate. Hindi ako humihingi ng good looks, hindi ako humihingi ng mayaman, simple lang ang hinihingi ko.”

Samantala, sabay ng birthday ni Kris ang pilot ng game show niyang Price Is Right na mapapanood sa ABS-CBN bago ang TV Patrol.

Nova Villa kailangang kumayod para sa mga anak

Isang halimbawa ng life’s irony ang nangyari kay Nova Villa last Februay 10 dahil habang nasa presscon ang aktres ng Nita Negrita na first soap niya sa GMA 7, nalaman niyang last taping day na that day ng Hapi Together  ng TV5 kung saan kasama siya sa cast.

Masaya si Nova na maging part ng Nita Negrita at muling magkaroon ng regular TV show. Para raw siyang reyna kung tratuhin sa set at pati pagbibihis ay may nakaalalay at asikaso siya sa pagkain.

Nilinaw ni Nova na hindi siya lumipat sa TV5 at ngayon ay sa GMA 7. Maa­yos daw ang paalam niya sa ABS-CBN na magtatrabaho sa ibang network dahil walang maibigay na trabaho sa kanya ang Channel 2 mula nang hindi na gumawa ng sitcom.

Kailangan daw niyang magtrabaho dahil nawalan ng trabaho ang anak at manugang niya sa States na may apat na anak. Ipinapadala niya sa anak ang talent fee sa shows niya sa TV5 at sa guesting niya sa GMA 7.

“Masaya ako’t maganda agad ang first project ko sa GMA 7, ang ganda ng role ko. May mga susunod pa raw akong project sa kanila na tama lang dahil gusto ko lang naman magtrabaho,” wika ni Nova.

                                                                             

vuukle comment

BOY ABUNDA

HAPI TOGETHER

JAMES YAP

KRIS AQUINO

LUCY TORRES-GOMEZ

MASAYA

NITA NEGRITA

NIYA

NOVA VILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with