^

PSN Showbiz

Katrina feeling nabitin pa kay Hayden!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagsimula at magtatapos ang Beauty Queen na may eksenang naka-two-piece swim­suit sina Iza Calzado at Katrina Halili na kukunan ni Direk Joel Lamangan bukas. Agad nag-apple diet si Katrina nang malamang magtu-two-piece uli sila sa finale ng soap sa Feb. 4.

One week palang nagda-diet si Katrina at sa nakita naming kurba ng katawan nito, nag-work ang apple diet niya at sa breakfast lang ku­makain ng rice. The rest of the day, apple, apple juice, at water lang ang kanyang tini-take. Ipinabasa pa nito sa amin ang mga benefits ng apple diet.

Nanghihinayang si Katrina dahil hindi sila mas­yadong nakapag-bonding ni Iza dahil madalas ang mga eksena nila ay magkaaway sila. Wish nitong makatrabaho uli ang aktres sa next project niya sa GMA 7.

Samantala, “bitin” ang feeling ni Katrina sa pagkaka-dismiss ng kaso niya laban kay Dr. Hayden Kho, Jr. Pero patuloy niyang ipagla­laban ang dapat ipaglaban at ang kanyang karapatan. “Hindi ako natatawa na laging binubungkal ang kaso ko pero kailangan kong ipaglaban,” sabi ni Katrina.

* * *

Nailibing na kahapon sa Sta. Rosa, Laguna ang lola ni Mark Herras na nagpalaki sa kanya. Sobrang nasaktan ang aktor sa pagkawala ng lola at may kasama pang guilt dahil hindi nito nadalaw ang matanda sa ospital nang magkasakit.

Noong nakaburol ang kanyang lola, halos sa Sta. Rosa nakatira si Mark at lumuluwas lang ’pag may trabaho. Araw-araw din siyang nakikitang umiiyak sa harap ng kabaong nito.

Samantala, si Kris Bernal talaga ang makakapareha ni Mark sa dance seryeng may working title na Dance With Me at sa March na ang start ng taping. Ang alam ng source namin, ka­sama sa cast sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Rocco Nacino, at Diva Montalaba, pero madadagdagan pa ito.

* * *

Magkasama sa Babaeng Ham­­­pas­lupa sina Alwyn Uytingco at Martin Escudero na present at current BF ni Jennica Garcia. Sa dramaserye ng TV5, magkaribal sila kay Alex Gonzaga.

Nailang noong una si Alwyn sa una nilang pagkikita ni Martin, kaya gumawa siya ng paraan na kausapin ito. Na-feel niyang hindi naiilang sa kanya si Martin, kaya hindi na rin siya nailang.

“Gusto ko pa ring kausapin si Martin, inaantay kong mag-open up siya sa akin tungkol sa kanila ni Jennica, pero kung ayaw niya, okay lang sa akin,” sabi nito.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALWYN UYTINGCO

BABAENG HAM

BEAUTY QUEEN

DANCE WITH ME

DIVA MONTALABA

ENZO PINEDA

HAYDEN KHO

IZA CALZADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with