^

PSN Showbiz

Cherry Pie niresbakan ang denial ni Baron

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nakausap na pala ni katotong Mario Dumaual si Cherry Pie Picache tungkol sa ginawang pagdi-deny sa kabastusang ginawa sa kanya ni Baron Geisler na mariing itinanggi ng aktor at lumalabas na imbento lang niya (Cherry Pie) ang galit nang dakmain nito ang boobs niya.

Ayon sa aktres, dapat munang aminin ng aktor ang kanyang pagkakamali at denial at higit sa apology, sana raw ay totoong magbago na ang aktor.

 “He’s a young man. Dapat mapaayos siya. The first step is for him to be humble enough to acknowledge and to accept the mistakes that he has done, to seek help,” sabi ng aktres sa ABS-CBN.com.

 “That’s the only way he can prove himself sa lahat ng mga nangya­ring ito, kung ano ‘yung totoo,” dagdag ng aktres.

Nagpasalamat din ang aktres sa Professional Artists Managers Inc. (PAMI) sa mabilis nilang aksiyon.

 “I would really like to say my gratitude to PAMI who gave their kind concern and solid support. I’m ready to put all this sad experience behind me,” sabi niya sa interview ni Mario D.

At tungkol sa iba pang biktima ni Baron na parang kinalimutan na lang niya, may bilin ang aktres : “I would like to continue to pray for the support of the other ladies who had the same sad experience, let’s all pray with the firm determination that with God’s help, we will be able to uphold what is fair and just.”

Nagpa-presscon ang kampo ni Baron kamakailan, pero imbes na magpakumbaba, parang lumabas na may nagturo sa sinabi niya dahil nagpapaawa pa siya sa PAMI na tulungan siyang magpagamot dahil wala raw siyang pera na gagastusin sa pagpapa-rehab tutal ang PAMI naman daw ang may idea na tanggalan siya ng trabaho.

Sana nagpaka-humble na lang siya, baka mas naging madali pa ang lahat para sa kanya. At baka mas marami pang maawa sa kanya.

vuukle comment

AKTRES

AYON

BARON GEISLER

CHERRY PIE

DAPAT

MARIO D

NAGPA

NAGPASALAMAT

PROFESSIONAL ARTISTS MANAGERS INC

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with