^

PSN Showbiz

Katawang lupa ni Paolo, bumigay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bilib ako kay Paolo Bediones dahil may sakit siya pero gabi-gabi pa rin ang pagre-report niya sa Aksyon, ang news program nila ni Cheryl Cosim sa TV5.

Pero hindi superman si Paolo dahil tuluyang bumigay ang kanyang katawang lupa. Hindi na siya nakaapir kagabi sa Aksyon dahil masamang-masama na ang kanyang pakiramdam.

Na-miss si Paolo ng loyal viewers ng Aksyon na malapit nang mapanood sa bagong timeslot na 6:00 to 6:30 pm dahil sa pagpasok ng Willing Willie. Magsisimula sa October 25 ang bagong timeslot ng Aksyon.

Alfred sa Italy magbi-birthday

Magkasabay na umalis sina Alfred Vargas at Roderick Paulate papuntang Italy noong Miyerkules.

Official trip ang dahilan ng paglipad ng mga konsehal ng Quezon City sa Italy at dito na magdiriwang si Alfred ng kanyang birthday sa October 24.

Hindi ko na nakausap si Alfred bago siya umalis. Papakisuyuan ko na lang ang aking maid of honor na i-text si Alfred ng happy birthday dahil hindi pa rin ako marunong mag-text, hanggang ngayon.

Kakanta sa laban ni Pacman nagpaturo sa NHI

Tama ang ginawang pagpunta ni Zyrene Parsad sa opisina ng National Historical Institute para magpaturo ng wastong pagkanta sa ating Pambansang Awit.

The who si Zyrene? Siya ang baguhang singer na napili ni Manny Pacquiao para kumanta ng Philippine National Anthem sa laban nila ni Antonio Margarito sa Dallas, Texas sa November 13.

Nagsadya si Zyrene sa NHI office dahil alam niya na may parusa na kapalit kapag nagkamali siya ng pagkanta sa Lupang Hinirang.

Kung sakaling palpak ang pagkanta ni Zyrene, ang NHI ang mananagot dahil sila ang nag-coach sa kanya.

Mga pangalan ng beauty queen ginamit sa teleserye

Hango sa pangalan ng mga tunay na beauty queen ang pangalan ng mga tauhan sa Beauty Queen.

Maita ang name ni Iza Calzado at alam nating lahat na may beauty queen na Maita Gomez ang pangalan.

Si Elizabeth Oropesa si Amparo na pangalan ni Amparo Muñoz, ang Miss Spain na naging Miss Universe noong 1974. Kilalang-kilala si Amparo ng mga Pilipino dahil idinaos sa Pilipinas ang Miss Universe Contest.

Madam Yuri ang pangalan ng karakter ni Gloria Diaz. Malapit sa Yari ang Yuri at Yari ang nickname ni Dayanara Torres, ang Miss Universe winner noong 1993.

Si Bubbles Paraiso si Stefanie na palayaw ni Stefania Fernandez, ang 2009 Miss Universe. Yeda Marie ang name ni Lou Sison at Yedda Marie Mendoza ang asawa ni Congressman Martin Romualdez. Si Yedda Marie ang Bb. Pilipinas-International title-holder noong 1996.

Zuleyka Mamaril ang pangalan ni Tomas Gonzales sa Beauty Queen. Zuleyka naman ang pangalan ng Miss Universe winner na natsismis na bagong asawa ni Yilmaz Bektas, si Zuleyka Men­doza.

Ang Beauty Queen ang te­leserye ni Iza Calzado sa GMA7. Natural na may ma-feel na pressure si Iza dahil siya ang bida kaya nakasalalay sa kanya ang kapalaran ng Beauty Queen.

Sa totoo lang, mas mahirap ang maging bida kesa maging kontrabida ng isang pelikula o TV series. Ang bida ang kadalasan na sinisisi kapag hindi humahataw sa ratings ang kanyang show.

vuukle comment

AKSYON

ALFRED VARGAS

AMPARO MU

ANG BEAUTY QUEEN

BEAUTY QUEEN

DAHIL

IZA CALZADO

MISS UNIVERSE

PANGALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with