^

PSN Showbiz

Claire, si Dingdong ang dapat pag-initan!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Paano ba hindi aabangan ng mga manonood sa TV ang istorya ni Gra­zilda eh, may kinalaman ito sa isang paborito nilang fairy tale, ang Cin­de­rella.

Wala na tayong nabalitaan pa matapos ang hap­pily ever after nila ni Prin­ce Charming at kahit na hindi ang istorya nila ang buod ng Grazilda kundi ang kuwento ng isa sa kinainisan nating character sa istorya, ang isa sa wicked stepsisters na si Grazilda pala na sa hindi sinasadyang pagka­ka­taon ay nagkasya rin sa kanya ang sapatos ni Cin­derella. ‘Yun nga lang dahil sobrang bad siya kaya siya itinapon ni fairy godmother sa mundo ng mga tao.

Interesting na ang istorya, binibigyan pa ng isang napaka-gandang promo kaya lalong nagka­ka­interes ang tao na panoorin ito. Very lovable naman ang per­sonality ng dating kontrabidang si Glaiza de Cas­tro na napakalaki ng transformation mula sa pagiging isang nakakainis na kontrabida hanggang sa isang maganda at nakakaawang prinsesa. Parang ang laki nang iginanda niya sa kanyang unang pagbibida at bagay din pala sila ni Geoff Eigenmann.

Akalain mo!

*    *    *

Si Claire dela Fuente pala ang nag­ma-manage ng career ni Bela Pa­dilla. Galit daw ito sa hindi maka­taru­ngang trato ni Marian Rivera sa kanyang ala­ga dahil lamang nagseselos siya rito at inakalang nagpi-flirt ito sa boyfriend niyang si Ding­dong Dantes.

Bakit kaya hindi na lang si Dingdong ang tinanong niya para wala pang gulong nangyari? Did Marian expect Dingdong to lie kaya si Bela ang hinarap niya?

Poor Bela, napagbintangan na, iniwan pa ng boy­friend niyang si Jason Aba­los.   

Tama nga ang sabi ni Claire, kung totoong iniwan siya ng nobyo niya sa panahong kailangang-kailangan siya ni Bela, she deserves a better guy.

At Dingdong naman, ikaw lang ang makakapag­patunay kung may ba­sehan ang ibinibintang ni Marian kay Bela.

vuukle comment

AT DINGDONG

BELA PA

CIN

DID MARIAN

GEOFF EIGENMANN

GRAZILDA

JASON ABA

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with