^

PSN Showbiz

Kahit alaga ng Kapamilya network, Andi Eigenmann programa ng GMA 7 ang pinapanood

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Isa si Solenn Heussaff sa inaabangan sa Survivor Philippines : Celebrity Showdown at ma­rami ang nagro-root para siya ang manalo ng tax-free P3 million cash prize.

Kahit ang Kapamilya star na si Andi Eigen­mann, si Solenn din ang bet at sabi nito sa Twitter : “I’m gonna continue watching Survivor only because Solenn is in it! If I were a guy, I’d marry her.”

Sa nag-tweet kay Andi na bini-betray niya ang ABS-CBN for watching GMA 7 show, sagot nito “No, I’m just supporting Solenn. How is that a betrayal?”

Katuwa ang next tweet ni Andi na ang crush niya’y si Docs Ferdz Recio. Kilala rin nito si Jon Hall at siya pa ang nagbanggit ng name nito sa nagtanong.                                                                                              

Paano ba ‘yan, mapa-lalake at mapa-babae nagkaka-crush kay Solenn na the last time ma-interview namin, before she left for SP, loveless daw siya. Kaya siguro nali-link siya kay Richard Gutierrez na host ng SP, pero ang actor ang nagsabing “friends” lang sila.

***

Ayaw naming maniwala sa sinabi ni Katrina Halili sa taping ng Langit Sa Piling Mo na naka-move on na siya sa nangyari sa kanya at kay Hayden Kho, Jr., dahil na rin sa mga tsika niya.

Bahay at trabaho na lang ang routine ni Katri­na, hindi siya lumalabas ng bahay at ‘pag taping break, nasa kanyang kotse lang siya. Hindi siya nakikipag-kuwentuhan sa co-stars niya at pati ang invitation ni Heart Evangelista na mag-join sa nabuong Tuesday Club ng soap, hindi niya ma­gawang puntahan.

 “May sarili na akong buhay sa bahay ko. Simula nang mangyari ‘yun, naging mailap na ako sa tao. Ayaw kong mag-guest sa mga talk show at hanggang promote lang ako. Kundi lang sa malaki kong binabayaran monthly, hindi ako tatanggap ng events at ‘di ako lalabas ng bahay. Kung hanggang kailan ako ganito, hindi ko alam, keri lang, survivor naman ako,” sabi nito.

Patuloy ang therapy ni Katrina - two therapists na pumupunta sa house niya Monday to Friday. May Bible study din siya sa pastor na kinuha ng uncle niya at family and friends ang nagpapalakas ng kanyang loob at ang pet dogs at lovebirds ang umaaliw sa kanya.

Anyway, ikinuwento ni Katrina ang ending ng karakter niyang si Aurora sa Langit Sa Piling Mo na magtatapos sa September 17. Matutuwa raw ang viewers sa mangyayari sa kanya sa pagiging bad niya kina Heart at Mark Herras.                                                                               

Samantala, masaya si Katrina na may kasunod na siyang project dahil kasama siya sa Koronang Papel (dating Beauty Queen) bilang kontrabida ni Iza Calzado at fan nito ang kanyang role. Sa September 6 na ang first taping day nila.

***

This Wednesday na raw pipirma ng kontrata sa GMA 7 ang aktres na makakapareha ni Vic Sotto sa 2010 Metro Manila Film Festival entry nina ni Sen. Bong Revilla na ang correct title raw ay Agimat ni Enteng at two movies in one raw ito.

Pero kahit inililihim ang identity ng aktres, nag-leak pa rin sa press, kaya hindi na rin surprise. Basta, ang alam namin, may Kapuso star na matutuwa na Channel 7 talent na rin ang aktres dahil may big crush siya rito at nagpatulong sa press na hanapin ang contact number.

Tungkol pa rin sa Agimat ni Enteng, big, big movie nga ito kung totoong anim na ang producers. Bukod sa M-Zet ni Vic Sotto, may GMA Films, Imus Productions ni Sen. Bong, APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera at OctoArts Films ni Mr. Orly Ilacad pa, plus a new co-producer na bawal pang pangalanan.

vuukle comment

AGIMAT

ANDI

ANDI EIGEN

AYAW

LANGIT SA PILING MO

NIYA

SIYA

SOLENN

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with