^

PSN Showbiz

Claudine babymaker na!

-

MANILA, Philippines - Kung pagiging ina ang pag-uusapan, isa si Claudine Barretto sa maituturing na isa sa pinaka-de­vo­ted na nanay sa showbiz. Kitang-kita ang de­di­kasyon at pag-aruga niya sa dalawang anak na sina Santino at Sabina.

Sa katunayan, di lamang sina Santino at Sabina ang nakararanas ng pag-alaga ni Claudine. May lisen­siya kasi para mag-ampon ang mag-asawang Clau­dine at Raymart Santiago kaya paminsan-minsan ay nag-a-adopt sila ng mga baby sa kanilang tahanan hanggang sa may mahanap nang adoptive parents ang bahay ampunan.

Malayo sa tunay na buhay ang role na gagam­pa­nan niya sa kaniyang drama anthology ngayong Sa­bado, dahil isang baby maker ang magiging papel ni Claudine.

Sa kuwento, dating babymaker si Salve (Claudine Ba­rretto) na ngayon ay may malubhang karamdaman at tina­ningan na ang buhay. Bago siya mamatay, hiling niya na makapiling kahit sandali ang anak na hindi na niya muling nakita.

Puspos ang paghahanap ni Salve sa mag-asa­wang nag-alaga sa kaniyang anak hanggang sa ma­hanap niya ito at nag-apply bilang yaya. Walang kaa­lam-alam ang asa­wa ng lalaking nag-offer sa kaniya noon na maging surro­gate mother na siya ang tunay na ina ng batang kinupkop at inalagaan nila.

Biglang umuwi ang asawa ni Rowena (Carmina Villa­roel) at natagpuan si Salve sa bahay nila. Pinahuli siya sa pulis sa pag-aakalang gusto niyang nakawin ang bata. Subalit nang malaman nila ang tunay na kalagayan ni Salve ay hinayaan na nila itong maka­piling ang anak kahit sa kaunting sandali na lamang.

Ang episode ay mula sa direksiyon ni Joyce Bernal ay mapapanood ngayong Sabado sa Claudine pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA 7.

vuukle comment

BIGLANG

CARMINA VILLA

CLAUDINE

CLAUDINE BA

CLAUDINE BARRETTO

JOYCE BERNAL

PINOY RECORDS

RAYMART SANTIAGO

SANTINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with