^

PSN Showbiz

Direktor ng Diva hinuli, kinulong sa Camp Karingal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagulat kami sa natanggap na balitang nahuli at nakulong sa Camp Karingal si direk Dominic Zapata, director ng Diva dahil hindi namin ma-imagine ang well-love director na naging pasaway, nang-away o may nilabag na traffic rules.

 ‘Yun pala napagtripan si direk Dom ng dalawang pulis habang nagti-taping ng Diva sa loob ng kampo. Maloko kasi si direk, malikot pa at masa­yahin at tiyempong may dumaan na patrol car, bumaba ang mga pulis na sakay at hinanap kung sino ang director at nang sabihin ni direk Dom na siya ang director, dinala sa presinto at ilang oras na in-interrogate.

Sumugod raw sa Camp Karingal ang staff ng Diva pati mga bossing ng GMA7 para sabihing hindi masamang tao ang director. After mapali­wanagan ang mga humuling pulis, pinakawalan din agad si direk Dom.

* * *

May eksena sa You To Me Are Everything na naka-two-piece swimsuit si Marian Rivera at sabi nito, wala si Dingdong Dantes nang kunan ang ma­ra­ming eksena niyang naka-swimsuit. Isang eksena lang magkasama sila at ito ‘yung nagkaharap sila, kaya hindi siya na-conscious.

Sabi naman ni Dingdong, always prepared si Marian sa mga ganung eksena at pinuri pa ang GF na kahit malakas kumain, hindi tumataba.

Ang feeling namin, hindi lang mahal, fan din si Dingdong ni Marian dahil sa tanong kung ano ang favorite scene niya sa movie, ang sagot ay ‘yung mag­kasama sila sa car at pinatatahimik niya si Marian for two minutes. “Very natural ang dating niya. Napag-usapan namin kung paano i-execute, pero iba ang approach ni direk Mark (Reyes),” ang sagot nito.

Ang pantapat ni Dingdong sa two-piece scene ni Marian ay mapapanood towards the end of the movie na nagpaka-daring din siya rito. Sa May 5 na ang showing ng pelikula.

* * *

Napanood namin ang video ng audition daw nina Sam Milby at Nikki Gil para sa Glee, ang sikat na show sa States na dito inspired ang Diva at inspiration din nang gagawing show nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli at Sam sa ABS-CBN.

Audition song ni Nikki ang True Colors ni Cyndi Lauper at Lean On Me (yata ang title) ng audition song naman ni Sam. Sabi ni Nikki, thru’ Sam niya nalamang may audition sa Glee, kaya nag-submit siya ng video.

Hindi lang si Nikki ang Filipina na nag-audition for Glee dahil may ilang Pinay na non-showbiz din kaming nakitang nag-audition.

* * *

Gabi-gabing sumasama si Jomari Yllana sa rally ng mga kapatid na sina Anjo Yllana na tumatakbong vice-mayor at councilor respectively ng Parañaque, pero hindi siya pumapayat at tumaba pa nga. Up close na nakikita ni Jomari ang pagtanggap ng tao sa mga kapatid at malaki ang paniniwala niyang mananalo si Anjo.

Klik daw sa tao ang opening line ni Anjo na “miss ko rin kayo” dahil ang nagpatalo rito last election ay hindi siya nakikita ng mga botante. Tumatakbo sina Anjo at Ryan under Puwersa ng Masa party ni Erap Estrada.

Samantala, kinumpirma ni Jomari na sa October 1 ang bagong petsa ng concert ni John Mayer na ang magdadala’y ang Fearless Productions.

vuukle comment

ANJO

ANJO YLLANA

CAMP KARINGAL

CYNDI LAUPER

DINGDONG DANTES

DOMINIC ZAPATA

ERAP ESTRADA

FEARLESS PRODUCTIONS

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with