^

Metro

Promoter na bugaw, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Promoter na bugaw, timbog
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

2 dalagita nasagip sa ‘booking’

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 22-anyos na club promoter habang nasagip ang dalawang menor-de-edad matapos ma­diskubre ng isang ina sa social media activity ng anak ang pakikipagtagpo para sa panandaliang aliw, sa isang hotel, sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng National Capital region Police Office (NCRPO), ang complainant na ina ng isa sa dalawang biktima, ang mismong nagmanman at nang makita ang anak na kasama ng suspek sa isang hotel ay agad siyang humingi ng tulong sa Makati Police Sub-Station 1.

Dakong alas 6;40 ng gabi ng Nobyembre 27, nang arestuhin ang suspek habang kasama ang dalagitang anak ng complainant sa isang hotel sa Barangay Olympia, Makati.

Ayon sa complainant, noong Nobyembre 18 nang umalis ang anak na may kasamang isa ring menor-de-edad ng walang pahintulot.

Gamit ang impormasyon mula sa account, natunton ang mga bata sa isang hotel sa Barangay Olympia,

Agad rumesponde ang pulisya kasama ang Barangay Olympia Violence Against Women and Children (VAWC) Desk, naabutan doon ang suspek na kasama ang isang menor.

Natuklasan na naipa-“booking” na ng suspek ang ikalawang menor-de-edad, na kalaunan ay na-rescue rin at tinawagan ang kanyang mga magulang.

Ni-refer na ang kaso sa Women and Children Protection Desk ng Makati CPS noong Nobyembre 28 para sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with