Celebrities maghahabulan para sa charity
MANILA, Philippines - Ang Ibuprofen Medicol Advance, ang first and only pain reliever na may Ibufluid na nasa softgel capsule sa banda, ay opisyal na naglunsad ng Winners’ Race to a Million noong April 6. Ito ay isang kakaibang uri ng racing competition na mabibigyan ng pagkakataon ang mga celebrities sa loob at labas ng showbiz na maibahagi ang kanilang blessings sa lipunan. Sila ang mga the selfless winners who will pay it forward.
Kilala ang Medicol Advance sa pagbibigay ng parangal sa mga mananalo mula sa iba’t ibang sektor. Sa pagkakataong ito, ang mga magwawagi ay magpapamalas ng kanilang pagiging bukas-puso through the race event. Limang kilalang personalidad ang lalaban para matanghal na winner of winners at ang kanilang napiling charity ang makakatanggap ng grand prize.
Ang mga celebrity racers at ang kanilang mga napiling foundation ay sina Akihiro Sato para sa Gawad Kalinga, BJ Manalo para sa World Vision, Paolo Paraiso para sa Loretta Maglalang Foundation, Amanda Coolly para sa Anastacio Cataquis-Sabina Unson Memorial School, at JC Tiuseco para sa Gawad Kalinga.
- Latest



















