^

PSN Showbiz

Marvin puspusan ang ensayo ng archery

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakausap namin si Marvin Agustin sa launching ng Party Pilipinas at excited na ito sa pagkukuwento tungkol sa pinagka­kaaba­lahan niya ngayon — ang archery.

“Nagagamit ko ang sports na ito sa aking career at negosyo kung saan natutunan ko na magkaroon ng focus at balance. Balak ko ngang sumali sa international competition kaya puspusan din ang pagsasanay ko,” sabi ng aktor na may Korean trainor.

Inamin nito na wala siyang lovelife ngayon at nakasentro ang kanyang pag-iisip sa career at negosyo. Kasama si Marvin sa Panday Kids at Dear Friend.

* * *

Malaki na ang ipinagbago ni Diva Montelaba nang makausap namin sandali. Tinanong namin siya kung ano ang malaking pagbabagong nagawa sa kanya ng Starstruck V.

 “Masaya po ako dahil kilala na ako ng mga tao. Marunong na po akong makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao. Unti-unti ko nang naka­kamit ang tagumpay kaya dito na po muna ako sa Maynila titira kasama ang aking mommy at lola,” sagot ng baguhang singer.

Speaking of Party Pilipinas, mapapanood ang pagyanig ng Araneta Coliseum ngayong Ling­go dahil mag-e-enjoy ang mga manonood sa Kapuso primetime stars, mga sumisikat na singing groups, at bagong dance crews sa pagdiriwang ng Easter Sunday. Ia-announce na rin ang mga nanalo sa Diva songwriting contest. Panauhin din ang mga sikat na banda ng bansa na Kamikazee, Chicosci, at Bamboo.

* * *

Dumalo kami sa launching ng News and Public Affairs ng TV 5 kung saan pinangunahan ito ng veteran broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdez at ipi­na­liwanag na ang programang News 5 ay nanga­ngakong mag-initiate ng problem-solving actions na magpapatunay sa kanilang slogan na Higit sa Balita, Aksyon!

Magsisimula ito ngayong Lunes, April 5, 9 p.m., na susundan ng weekly programs sa 9:30 p.m. (Totoo TV tuwing Lunes, Timbangan, Tuesdays, Dokumentado, Wednesdays, Ako Mismo, Thursdays, at Lupet, Fridays). Aksiyon Weekend airs on Saturdays and Sundays at 6:30 p.m.

vuukle comment

AKO MISMO

AKSIYON WEEKEND

ARANETA COLISEUM

DEAR FRIEND

DIVA MONTELABA

EASTER SUNDAY

LUCHI CRUZ-VALDEZ

MARVIN AGUSTIN

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

PANDAY KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with