^

PSN Showbiz

Janine, hindi priority ang kasal kay Jericho!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine, hindi priority ang kasal kay Jericho!
Janine ­Gutierrez at Jericho Rosales

Ahh 15 years na pala si Janine ­Gutierrez sa showbiz.

At ‘di niya nalilimutan ang una niyang appearance sa GMA 7, sa Party Pilipinas, kung saan ipinakanta siya nang live – Who Says ni Selena Gomez.

Ngayon, isa siya sa award-winning young actresses.

This year, mayroon siyang Prime Video series (Loyalty Game), Ci­nemalaya entry (Mag-Iina), Netflix series (Balaraw), as in ang dami niyang magagandang project. “Super fantasy ang taong 2026 for me kasi talagang ang hirap talaga po ng 2025,” pag-amin niya kahapon sa ginanap na Star Magic Spotlight Presscon.

Winner din ang kanyang lovelife.

Pero ang isa niyang wish ngayon ay makabalik sa vlogging na hindi raw niya nagawa dahil sa rami ng ginagawa.

Like ito palang Balaraw ay March 2025 sila nag-start at natapos ng August 2026.

Ibang challenge rin ang ginawa niya sa Loyalty Game na akala niya ay isang simpleng wife lang na niloko ng asawa ang kuwento.

Anyway, mas relax lang si Janine kahapon sa Star Magic Spotlight Presscon at lagi siyang may sagot sa mga tanong.

Kahit pagdating sa relasyon nila ni Jericho Rosales, diretso ang sagot niya na wala pa sa plano nila ang kasal kahit tanggap na tanggap na ng kanyang mommy Lotlot de Leon if ever na pakasal na sila ng actor at magka-baby na sila. “Honestly I’m sure tanggap na tanggap naman niya dahil nasa tamang edad na naman. Pero ako po personally, marami pa pong plans sa work,” pag-amin ni Janine.

Dinagdag niya pang, “Hindi po namin siya priority. Hindi rin naman po ako rin napi-pressure na kaila­ngang magmadali. I’m just happy that I’m with someone na talagang sobrang happy ako with how we spend time together.

“Pareho pa kaming may mga dini-develop na projects together, so andun pa lang po ‘yung focus,” dagdag pa niya.

Wala pa rin siyang masasabing dream wedding. “Wala pa honestly, I’m just really grateful whom I feel I’m with the right person.”

Pero aminado siyang si Jericho na talaga ang kanyang ‘future.’

Nauna na ngang sinabi ng mommy ni Janine na ready na siya na maging lola.

Ito ay kung magde-decide nga sina Echo at Janine na pakasal.  “Kung saan sila masaya. Siyempre, desis­yon naman nila ‘yan, desisyon ng mga anak ko, who they want to be with,” sagot ng actress sa amin nang tanungin nga kung papayagan na niyang pakasal ang anak ding aktres.  “Kung anong buhay ang gusto nilang tahakin,” dagdag niya sa ginanap na presscon ng pelikulang nilang 40 Days kamakailan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with