^

PSN Showbiz

Lea Salonga tinatawanan lang ang GRO ng asawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Malaki nga ang tampo ni Claudine Barretto kay Mark Anthony Fernandez. Si Claudine ang live guest namin kahapon sa Startalk at diretsahan niyang sinabi na may tampo siya kay Mark dahil sa hindi nito pagsipot sa meeting nila noon sa Viva Films office para sa pelikula na gagawin sana nila.

Biniro ko na lang si Claudine na in-love pa rin si Mark sa kanya at hindi pa ito nakaka-move on.

Nagtatampo si Claudine sa aking inaanak dahil imbes na mag-apologize sa kanya si Mark, nagpapainterbyu ito sa TV. Never daw nag-reach out si Mark sa kanya. Tinext daw niya si Mark na sinungaling ito pero walang reply na natanggap si Claudine.

Naniniwala ako na maaayos ang problema nina Claudine at Mark.

Magkakasundo rin sila, lalo na kapag humupa na ang tampo ni Claudine.

* * *

 Hindi na matutuloy ang pelikulang gagawin nina Mark at Claudine pero magkakasama sa isang movie project sina Claudine at Richard Gutierrez. Join din sa cast si Anne Curtis at mismong si Claudine ang nagsabi na kukunan sa Amerika ang mga eksena ng kanilang pelikula.

Excited na si Richard sa movie project nila ni Claudine. Hindi raw niya akalain na darating ang araw na magkakasama sila ni Claudine sa isang pelikula.

* * *

Hindi na kailangan ni Jomari Yllana na kumpirmahin na may namumuong relasyon sina Lovi Poe at Ronald Singson.

Madalas na magkasama ang dalawa at blooming si Lovi mula nang mapabalita na boyfriend niya ang anak ni Papa Chavit Singson.

Malaki ang agwat ng mga edad nina Lovi at Ronald pero walang edad na pinipili ang love ‘no!

At dahil kumpirmadong magdyowa na sina Lovi at Ronald, it’s about time na mag-move on na si Jolo Revilla.

* * *

 “That was so last year” ang natatawang sey ni Lea Salonga tungkol sa balita na nali-link ang kanyang mister na si Rob Chien sa isang GRO.

Alam pala ni Lea na may ganung tsismis tungkol sa asawa niya pero pinagtawanan lang nila ang isyu dahil wala itong katotohanan.

At least, updated si Lea sa mga showbiz issue at hindi siya affected ‘huh!

* * *

May assignment sa akin ang reader na si Eugene. Ipinapahanap niya sa akin ang exact location ng rose garden na naging tagpuan ng mga karakter nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa Dahil May Isang Ikaw.

Type ni Eugene na dalhin sa rose garden ang kanyang girlfriend dahil ‘yon ang magiging sorpresa niya sa kanilang anniversary.

Ang alam ko, nasa Maynila ang rose garden na sinasabi ni Eugene at para makasigurado, tatanungin ko si Lorna Tolentino sa exact location para mapagbigyan ko ang special request ni Eugene. Napaka-romantic niya ‘ha!

* * *

At dahil Linggo ngayon, ipapaalala ko sa inyo na live na mapapanood mamayang gabi ang Starstruck V at isa sa anim na natitira na contestant ang magpapaalam, sa ayaw at sa gusto nila.

Siyempre, gusto kong i-greet ang lahat ng Happy Valentine’s Day at Happy Chinese New Year! 

vuukle comment

ANNE CURTIS

CHAVIT SINGSON

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

HAPPY CHINESE NEW YEAR

LOVI

MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with