^

PSN Showbiz

TV sequel ng Aswang sa TV5 ipalalabas!

- Veronica R. Samio -

Isa sa pagkakaabalahan ng husto ni Vic Sot­to matapos ang showing ng Ang Darling Kong Aswang ay ang paggawa ng sequel nito na ipina­sya niyang gawing serye sa TV. Pero hindi niya ito ipapapanood sa GMA 7 na kung saan napa­pa­nood ang Eat Bulaga kundi sa TV5 na kung saan mayroon din siyang isang re­gular show na tumatakbo, ang So You Want To Be A Millio­naire?

Hindi rin ang box-office director na si Tony Reyes ang magdi-direct ng TV series dahil kat­wiran ni Vic ay pam­peli­kula lang si Tony na nung 90’s pa niya katra­baho. Sa kasalukuyan ay nasa drawing board na ang Ang Darling Kong Aswang (TV series).

Pinaka-huling seryeng ginawa ni Vic ay ang Ful Haus na napanood sa Kapuso Network. Med­yo matagal na rin itong nagtapos sa ere pero hanggang ngayon ay pinasusweldo pa rin ni Vic ang staff nito at nakatanggap pa ng 13th month pay.

* * *

Pinakamasayang Christmas party siguro na dinaluhan ng entertainment press ay yung ibinigay ni Sen. Jinggoy Estrada noong Dis­yembre 30. Hin­di lamang dahil dinaluhan din ito ng ilang kaibigan ng press sa industriya tulad nina Malou Choa Fagar at Julia Clarete ng Eat Bula­ga, Ricky Davao at ni Presidente Erap Es­trada at Sen. Ernesto Ma­ceda.

Nagkaroon din ng ma­ik­­­ling musical prog­ram na kung saan nagpa­kita ng ka­ni­lang talento sa pagkanta ang ilang movie writers at maging sina Julia, Ricky, Sen. Jinggoy, at Presidente Erap. Lahat ng ku­mantang press were given each an electric fan for their effort. Wa­lang minus ones may isang pianist whom ac­com­panied everybody sa kanilang pagkanta.

Masaya ang naging party dahil ang nag-host ng party ay mga movie writers din, sina Jun Nardo at Dondon Sermino na may talent din sa paghu-host. Dahil magkakakilala ang lahat kung kaya naging free flowing ang kasa­yahan, walang nag­kahiyaan at walang nag-inarte.

* * *

Sina Shaina Magdayao at Jason Abalos ang tampok sa kauna-unahang episode ng Maalaala Mo Kaya sa taong ito. Napanood ang dalawa sa isang napakagandang kuwento ng buhay na kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa pag-arte sa mahusay na pagsuporta nina Niña Jose, Alysson Lualhati, Girlie Alcantara, Melis­sa Mendez, at Ellaine Quemel sa direksiyon ni Veronica Velasco.

Bago ang director na nagpakitang gilas din sa mga manonood ng kanyang galing sa pagku­ku­wento.

vuukle comment

ALYSSON LUALHATI

ANG DARLING KONG ASWANG

DONDON SERMINO

EAT BULA

EAT BULAGA

ELLAINE QUEMEL

ERAP ES

ERNESTO MA

FUL HAUS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with