Lani papalit kay Bong sa Amazing...
MANILA, Philippines - Si Christopher de Leon at hindi si Aga Muhlach ang tinutukoy naming Kapamilya star na lilipat (o babalik) sa Kapuso channel dahil kasama ang aktor sa cast ng ChristmaSerye na Sana Ngayong Pasko.
Tinapos muna ni Boyet ang taping niya ng Lovers in Paris na tumagal ng three days dahil sa request ng staff na magkaroon ng closure ang kanyang karakter. End ng October dapat hindi na mapapanood sa series ng ABS-CBN ang aktor, pero na-extend siya ng ilang araw.
Role ng eldest son ni Susan Roces ang gagampanan ni Boyet sa Sana Ngayong Pasko at makakasama niya si Gina Alajar. Five-part series ang ChristmasSerye na ito na papalit sa Stairway to Heaven at mapapanood simula Dec. 14.
Kuwento ni Ms. Wilma Galvante sa ipinatawag na presscon, sobrang heavy drama ang story nito at nang mabasa niya ang script, si Susan agad ang naisip niya.
“We took our chances with her, we asked her kung puwede kaming makipag-meeting. Nagustuhan niya ang concept na original story, family drama, and love story ito. It’s going to be compelling,” sabi ni Ms. Wilma.
Dahil may series sa Dos, hindi natupad ang plano ni Sen. Bong Revilla, Jr. na si Jolo Revilla ang pansamantalang pumalit sa kanyang mag-host ng Kap’s Amazing Stories. Sa halip, ang bunso nila ni Lani Mercado plus two other kids ang mga hosts ng Kap’s Amazing Stories Kids’ Edition.
* * *
Formal nang ilo-launch ang Shop and Share Online Auction na binuksan nina Angel Locsin at Anne Curtis para makatulong sa biktima ng mga bagyong Ondoy, Pepeng, at Santi. Gaganapin ang launching sa Saturday, 6:00 PM sa Sining Kamalig Art Gallery, 4th floor, Gateway Mall, Araneta Center. Ito’y sa pakikipag-tulungan ng Philippine National Red Cross, Dekada Arts, at eBay. (Nitz Miralles)
- Latest



















