^

PSN Showbiz

Failon wala nang atrasan ngayon

-

MANILA, Philippines - Si Ted Failon, isang batikang brodkaster sa radyo at telebisyon, wala nang sasayanging panahon. 

Hindi na paaawat sa pangangampanya si Ted para sa mga kuwentong tatatak sa puso at isipan ng bawat Pilipino sa pag-uumpisa ng bago niyang programang Failon Ngayon! simula Sabado (Oct 24) sa ganap na 5:30 ng hapon.

Ihahatid sa inyo ni Ted ang isang oras na siksik ng samu’t saring kuwento, balita at impormasyon.

Makakaharap niya ang mga taong pinakakon­trobersyal at pinag-uusapan sa segment na Most JuanTED.

Wala siyang aatrasan pagdating sa pambabatikos sa mga pulitiko, opisyal ng gobyerno at maging lokal at pribadong ahensiya na gumagawa ng mga katiwalian. At higit sa lahat, bibigyang pagkakataon din niya na makapagsalita ang taong bayan hinggil sa anumang maiinit na isyu. 

Ipakikila rin ni Ted at bibigyang parangal ang mga bayani ng bayan na wagas na naglilingkod para sa kabutihan at kapayapaan. Sila ang ating Sandigan pagdating sa oras ng ating pangangailangan. 

Mula sa kanyang mga komentaryo sa radyo, mga maaanghang na kuru-kuro, at mga nakatatawang banat sa kahit ano mang isyu, mapapanood n’yo na sa telebisyon.

Siya ang makakapitan. Maghahatid sa inyo ng mga kuwentong gigising sa inyong kamalayan. 

Huwag na huwag palalampasin ang Failon Ngayon! tuwing Sabado simula ngayong Oktubre 24, 5:30 PM, sa ABS-CBN.

vuukle comment

FAILON NGAYON

HUWAG

IHAHATID

IPAKIKILA

MAGHAHATID

MAKAKAHARAP

SABADO

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with