^

PSN Showbiz

Sunshine ready na sa issue ng 'pagbubuntis'

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa Tinik Sa Dibdib dahil as of Monday, out na si Sunshine Dizon sa series. Papalitan na siya sa role ni Lorna at kung paano ito gagawin na hindi maaapektuhan ang flow ng story, bahala na ang writers at director.

Maglalabas ng official statement ang GMA 7 management tungkol dito at pati na siguro kung sino ang papalit kay Sunshine. Tinanggap na may lungkot ng aktres ang desisyon ng network, pero wala na siyang magagawa. Ang pinanghi­hi­nayangan lang nito, iniwan niya ang pagko-co-host sa Unang Hirit dahil sa Tinik Sa Dibdib dahil ‘yun ang request sa kanya.

May kanya-kanyang rason sina Sunshine at ang staff ng series kung bakit nagka-problema sa taping. Ang ‘di pagsipot sa taping ang ituturong kasalanan ng staff kay Sunshine at naging problema naman sa aktres ang hinihinging cut-off at ang request pang bawasan ang mga eksena niya na minsan daw ay umaabot ng 40 hanggang 50 scenes na ‘di maibigay dahil daily ang series at kailangang may naiipong episodes.

Hindi lang ang Tinik Sa Dibdib ang iiwan ni Sunshine dahil nag-backout na rin siyang council sa StarStruck V. As of today, balak nitong umalis ng bansa at manirahan muna sa Amerika kasama ang ama.

Alam ni Sunshine na sari-saring tsismis ang lalabas sa nangyari at isa rito’y na buntis siya. Magtanong na lang daw sa Cardinal Santos Hospital ang mga nagdududa dahil dumaan siya ng laboratory tests nang maospital. Depression ang malaking problema ng aktres and depression kills, kaya mabuti na ring makapag-pahinga siya. 

* * *

Comeback project ni Alicia Mayer ang SRO Cine­maserye Presents Moshi, Moshi, I Love You bilang talent manager ni Akihiro Sato. More than a year ding namahinga si Alicia dahil nag-asawa (altho) ‘di pa sila kasal at nanganak, pero hanggang ngayon, ayaw pa ring pangalanan ang ama ng kanyang anak, at name lang ng anak ang na-share sa press.

Caleb ang name ng baby ni Alicia na one year old na at rason para talikuran na niya nang tuluyan ang pag­papa-sexy. Tinanggihan niya ang offer ng Playboy dahil ayaw niyang makita ito ng anak paglaki.

Hindi nga lang nakaligtas sa intriga si Alicia dahil tinanong kung susuportahan ang pagkandidatong senador ng ex-BF niyang si Edu Manzano. Deret­song “hindi” ang sagot nito.

 “Hindi naman dahil hindi ako naniniwala sa kanya. Kaya hindi ang sagot ko dahil may masasagasaan ako na importanteng tao sa akin. Sa ibang politiko na lang siguro ako susuporta, okey lang, walang conflict,” sabi ni Alicia.

Sa Thursday na ang pilot ng Moshi, Moshi sa direksyon ni Andoy Ranay at bida sina Akihiro at Rufa Mae Quinto.

Kasama rin sina Mosang, Ricci Chan, at Gloria Sevilla.

* * *

Nakita naming magkasamang nagmu-malling sa Glorietta last Monday sina Kiko Austria ng Survivor Philippines 1 at Mika Batchelor ng SP 2 at sa kilos nila, naniniwala na kaming sila na. Nang tanungin kung sila na, nag-smile lang si Mika at ‘di yata kami narinig ni Kiko.

Ikinuwento at itinanggi ni Kiko ang nasulat na nanggitgit siya ng taxi na sinasakyan ng isang empleyado ng GMA Network dahil siya raw ang ginitgit at kaya niya itong patunayan. Kundi lang daw pinaharurot ng driver ang taxi, malalaman kung sino sa kanila ang may kasalanan. Pauwi noon si Kiko sa condo niya sa may Ortigas Center pagkatapos ihatid si Mika sa bahay nito. Aba’y sila na nga kung naghahatiran na ang status nila.

* * *

Sa Stairway to Heaven, nagkita na sina Eunice (Glaiza de Castro) at Jenna (Rhian Ramos) at sasabihan ng una ang huli na iwasan si Cholo (Dingdong Dantes). Kaya lang, desidido na ang binatang patunayan kay Jenna na si Jodi siya sa pagpapakita sa mga lugar na pinupuntahan nito dati, pero wala pa rin itong maalala.

Makikilala ni Jovan (Jestoni Alarcon) at pati siya magugulat na kamukha ito ni Jodi at ‘di rin siya makikilala ng anak. Mag-aaway uli sina Jenna at Charlie (TJ Trinidad) dahil sa pagsama ng dalaga kay Cholo.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ALICIA

ALICIA MAYER

ANDOY RANAY

DAHIL

KIKO

LANG

MOSHI

SIYA

TINIK SA DIBDIB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with