^

PSN Showbiz

Survivors dusa, walang pagkain

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Sa nalalabing panahon ng natitirang Castaways ng Survivor Philippines : Palau, mas marami pa silang haharaping hamon na susubok sa kanilang pakikisama at katatagan!

Lalong tumindi ang tensiyon sa pagitan ng dalawang tribong Airai at Koror matapos ang Immunity Challenge, kung saan kinailangan nilang kumain ng mga ‘fruit bat’, isang uri ng paniki at kilala ring putahe sa Palau. Matapos magwagi sa hamon ang Koror, inutusan ang dalawang tribo na magpalit ng kampo.

Pagdating sa kani-kanilang bagong kampo, napalitan ng labis na pagkadismaya ang dapat sana’y nagbubunying tribo ng Koror.

Sumalubong kasi sa kanila ang dating kampo ng Airai na puno ng mga sirang kagamitan sa pagluluto at nagkalat na basura. Dagdag pa rito ang kawalan ng pagkain para sa kanilang lahat.

Lalong nakadagdag sa panghihinayang ng Koror ang pagtantong ang mga miyembro ng tribong Airai ang nakikinabang ngayon sa pinaghirapan nilang alagaang kampo.

Pero sa kabila ng mas magandang kampo na tila naipamana sa kanila ng Koror, hindi naman naging mabuti ang nangyari sa pagitan nina Mika at Tara. Matapos kasing makagawa ng malaking pagkakamali si Tara, tila hindi na nakapagtimpi ang katribo niyang si Mika.

Sa unang pagkakataon, nagbitiw ng masasakit na salita ang tinaguriang ‘Sexy Chef’ laban sa ‘Taray Queen’. Buong linggo ring ’di pinansin ni Mika si Tara dahil sa insidente. Nakadagdag din sa pagkadismaya ni Mika ang ilang pag-amin na ginawa ni Tara, na labis naman niyang ikinasama ng loob.

Ngayong unti-unti nang nalalagasan ng mga miyembro ang Airai bago pa man ang pagsasanib ng mga tribo, hudyat na kaya ito ng kanilang pagkatalo? O lalo lang itong magpapatibay ng loob ng ilang miyembro para mapanalunan ang titulong Pinoy Sole Survivor?

Paano naman kaya manunumbalik ang sigla ng Koror matapos ang pagpapalit ng kampo? Magwakas na rin kaya ang tinatawag na alliance nina Mika at Tara, matapos ang kanilang hindi pagkakaintindihan?

Banana Split Everyday Na!

Dahil isang taon mo na silang kapiling, ang isang saging magiging isang piling!

Pawiin na ang init ng hapon ng tuwa’t saya hatid ng Banana Split Daily Servings na magsisimula na ngayong Lunes (Sept 28).

Bilang pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo ay buong buwan ng Oktubre makikigulo sa inyong mga tahahan ang kuwelang barkada ng paboritong niyong late night weekend gag show na kinabi­bilangan nina Angelica Panganiban, John Prats, Zanjoe Marudo, Jayson Gainza, Pooh, RR Enriquez, Princess Ryan at Pokwang.

Araw-araw ng humalakhak sa nakakatuwang tandem nina Bhoy at Krissy sa patok na patok na NNNN o Ntertainment News Na Naman pati na rin sa makukulit na salitang ibabahagi ng Brod, Bro, at Bru.

Abangan din ang panibagong teleserye spoof na pinamagatang Dahil May Isang Hikaw at ang nakakakiliting segment na Sosyal, Pasosyal, at Wa Sosyal na magtuturo sa inyo kung paano kumilos ang isang babae sa iba’t ibang uri ng sitwasyon.

Para mas lalo pang sumarap ang katatawanang ihahain sa inyo linggu- linggo, idadagdag din sa mga sahog ang ilang celebrity guests tulad nina Piolo Pascual at KC Concepcion, Kim Chiu at Gerald Anderson, singer-actress na si Donna Cruz at Governor Vilma Santos na nagpaunlak sa programa ng isang ekslusibong panayam hindi niyo matutung­hayan kahit saan.

Huwag na huwag palampasin ang Banana Split Daily Servings, Lunes hanggang Biyernes, 3 PM, at ang  Banana Split  tuwing Sabado, pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN.

vuukle comment

AIRAI

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SPLIT

BANANA SPLIT DAILY SERVINGS

BANANA SPLIT EVERYDAY NA

DAHIL MAY ISANG HIKAW

DONNA CRUZ

GERALD ANDERSON

KOROR

MIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with