^

PSN Showbiz

Hawak na mic nasipa ng dancer Ogie Alcasid naaksidente

- SEEN SCENE -

SEEN : Naririto sa Pilipinas si KC Montero. Kasamang dumating ni KC mula sa Amerika ang stepson na si Heaven, ang anak ng kanyang asawang si Geneva Cruz.

SCENE : Nag-ahit na ng bigote si John Lloyd Cruz. Hindi na dugyot ang kanyang hitsura.

SEEN : Nag-rally ang mga Pilipino sa Amerika sa harap ng bahay ni Congressman Mikey Arroyo sa San Francisco Bay area.

Ipino-protesta nila ang nakakaduda na pagkakaroon ni Mikey ng expensive house sa San Francisco.

SCENE : Ginaya ni Anne Curtis sa finale episode ng The Wedding ang wedding gown ni Katy Perry sa Hot N Cold music video.

SEEN : Ang hate emails para kay Rhian Ramos na nanggaling sa mga fans ni Marian Rivera.

Pinasisikat ng fans ni Marian si Rhian.

SCENE : Ipinagtatanggol si Chavit Singson ng kanyang mga kaibigan. Sila ang naglalabas ng mga kuwento tungkol sa mataray na pag-uugali ni Che Tiongson.

Hindi inaamin ni Chavit na siya ang bumugbog sa dating common-law wife.

SEEN : Ang mga litrato ng lumang eskandalo ni Vivian Velez na kumakalat sa Internet.

SCENE : Ang freak accident na nangyari kahapon kay Ogie Alcasid. Dumugo ang kanyang mukha dahil tinamaan ito ng microphone na hawak niya at nasipa ng dancer.

Hindi tinapos ni Ogie ang SOP.

vuukle comment

AMERIKA

ANNE CURTIS

CHAVIT SINGSON

CHE TIONGSON

GENEVA CRUZ

HOT N COLD

JOHN LLOYD CRUZ

KATY PERRY

MARIAN RIVERA

MIKEY ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with