^

PSN Showbiz

Annabel's may treat sa mga tatay

-

MANILA, Philippines - Sa pagbubukas ng mga paaralan sa buwang ito, ngayon lalong mahalaga sa mga magulang ang pagpapadala ng pera sa kanilang mga anak.

Tamang-tama ang Domestic Money Transfer service ng Western Union Company, ang global leader sa pagpapadala ng pera. Bilang pagkilala sa kahalagahan na makarating sa kanilang mga mahal sa buhay ang kailangang gastusin para sa kanilang edukasyon, ang Domestic Money Transfer service ang lalong madaling paraan na matupad ng mga magulang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak.

Ang Back-to School Bonanza promotion ng Western Union ay bukas sa lahat ng mga customer hanggang sa katapusan ng buwan na ito. Bilang suporta ng kumpanya, ilang regalo at premyo ang nakalaan sa mga gagamit ng domestic money transfer service hanggang June 30, 2009.

Lahat ng magpapadala ng pera sa halagang P1,000 o mas higit pa sa kahit saang Western Union agent-location sa bansa ay makapili ng scratch box sa isang game board. Garantisado ang panalo rito. May nakalaan na premyo mula notebook, ID lace o ruler pen, o kaya gift certificate mula sa National Bookstore. Bawat scratch merong premyo.

***

Araw ng mga ama. At ito ang tamang pagkakataon para pahalagahan natin sila.

At perfect time ito para i-treat ang ating mga ama para sa kanilang walang hanggang pagmamahal at suporta para maramdaman nila kung gaano natin sila minamahal at pinahahalagahan.

 Naghanda ang Annabel’s Restaurant, ang paboritong venue ng mga showbiz functions para sa nasabing okasyon ngayong araw ng mga ama ng masarap na handa na gawa ng kanilang magaling na chef baked oysters, assorted sashimi, Caesar salads, lengua estofado, prawns, and of course the delectable US cut prime ribs and oven baked pork belly just to name a few….

Dads who are accompanied by four pax or more get to dine for FREE. Plus…a surprise gift to all Fathers.

For reservation please call 924-4131-34.

***

 Ang mga bagay na ‘instant’ sa panahong ito’y tila nauso upang maging madali ang pamumuhay natin. At mga ganitong bagay ang itatampok ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa Life and Style With Ricky Reyes ng QTV-11 na prodyus ng Scripto Vision.

Kilalanin si Ms. Josie Maik sa Instant Success na ang mga bags na tatak Missology ay super mabili sa mga Blue Soda stores sa buong bansa. Sa Instant Drink ay mapapanood ang wheat grass food supplement mula sa Easy Pharmax. Dapat tutukan ng mga misis ang Instant Tipid tips para mapag-abot ang kanilang budget sa bahay. At sa Instant Omnibus nama’y matutunghayan ang istorya ng Rairaiken Noodles at Jodome soap.

Kilala bilang fashionista at lifestyle si Cory Quirino at sa We (Women Empowerment) hosted ni Mayor Marides Fernando’y isasalaysay niya ang kanyang makulay na buhay na puno ng inspirasyon, pagtitiyaga at pagsisikap para maabot niya ang tagumpay.

vuukle comment

ANG BACK

BILANG

BLUE SODA

CORY QUIRINO

DOMESTIC MONEY TRANSFER

EASY PHARMAX

INSTANT OMNIBUS

PARA

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with