^

PSN Showbiz

Direk Dante may tampo sa Gobyerno

- Veronica R. Samio -

Kahit hindi maipa­labas locally ang mga pelikula niya, lalo na ang kapapalabas la­mang sa Cannes Fil­m Festival na Kinatay kung saan ay nagwagi siya bilang Best Di­rector ay okay lang kay Brillante (Dante) Men­doza pero hinding-hindi niya pararaanin sa censorship ang kan­yang pelikula.

 “Hindi pa handa ang Pinoy sa klase ng pelikula ko, hindi nila magugustuhan ‘yung katotohanan na ipinakikita ng pelikula ko. Kaya ayaw ko ng censorship, ayaw kong magbayad para lamang ipa-censor ang pelikula ko. Naiintindihan ko naman dahil sa Cannes din ay sinabi ng mga nakapanood na disturbing at powerful daw ang Kinatay. Nagpapakita ako ng the good and bad sides of truth pero, nagbibigay din naman ako ng option, bahala ang audience kung ano ang pipiliin nila,” pagtatanggol niya sa kanyang pelikula na binigyan ng 10 minutes standing ovation sa Cannes.

 “Overwhelmed ako dahil alam kong maliit lang ang pelikula ko,” dagdag pa ng direktor.

Sinabi lamang ni Brillante na nalulungkot siya dahil walang suporta ang gobyerno sa mga katulad nilang filmmakers.

“Kung meron man silang itinutulong, galing din yun sa atin, sa mga taxes na ibinabayad natin,” reklamo niya.

vuukle comment

BEST DI

CANNES FIL

KAHIT

KAYA

KINATAY

NAGPAPAKITA

NAIINTINDIHAN

PELIKULA

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with