Belo idedemanda ni Katrina
MANILA, Philippines - Binabalak ni Katrina Halili na idemanda rin si Dr. Vicki Belo dahil sa pagkalat sa internet ng sex video nila ng dati nitong lover na si Dr. Hayden Kho.
Ito ang nabatid kahapon sa abogado ni Halili na si Atty. Raymond Palad na nagsabing isasama nila si Belo sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) na naunang isinampa laban kay Kho.
Sinabi ni Palad na pagbabatayan nila ang mga isiniwalat ng kaibigan ni Kho na si Eric Johnston Chua na ibinigay nito kay Belo ang hard copy na mismong master copy ng mga sex video ni Dr. Hayden Kho sa iba’t ibang babae.
Una nang iginiit ni Chua sa NBI na hindi siya dapat ang iturong responsible sa pagpapakalat ng sex video dahil pinakiusapan lamang siya ni Belo na kopyahin sa laptop ni Kho at burahin ang rekord sa laptop at ibigay sa kaniya ang nai-burn na kopya.
Sinabi naman ni Belo sa kanyang affidavit na wala siyang kopya dahil sinira niya ito pagkatapos mapanood. (Ludy Bermudo)
- Latest





















